BANNER kamakalawa ng national tabloids ang planong pagtakbong presidente sa 2016 elections ni House Speaker Sonny Belmonte.
Kung totoo ito, si Belmonte ang bagong presidentiable ng Liberal Party na pinamumunuan ni Pangulong Noynoy Aquino.
Baka nga si Belmonte ang pamalit ng LP sa “walang asim” na si DILG Sec. Mar Roxas na unang nagpahayag ng interes na tumakbong pangulo.
Si Belmonte ay siyam na taon naging mayor ng Quezon City, at napaunlad niya nang todo ang lungsod bago naging kongresista.
Isa siya sa mga may-ari ng Star Group of Publications, ang publisher ng Philippine Star, tabloids na Pilipino Star Ngayon at PM.
Hindi matatawaran ang kakayahan ni Belmonte bilang public servant, dahil hindi siya naisyuhan ng anumang katiwalian mula sa pagka-mayor hanggang sa pagka-mambabatas. Nasa kalibre niya ang maging matinong lider ng bansa.
Go, Speaker Sonny!
Sumbong para kay Senator to be (again) Richard Gordon?
– Mr. Venancio, ano ba itong ginawa ng Red Cross? Inokupahan ang lote ng Boy Scout Leyte Council at Leyte Medical Society. May karapatan ba silang ipadlak ang gate ng Boy Scout at kaming mga kliyente ay kailangang mag-logbook sa Red Cross bago makapasok sa BSP? Ano ba ito, Senador Gordon? Ipaliwanag nga ninyo? -09074549…
Panawagan sa MWSS at DWH
– Magandang araw, Mr. Joey Galicia-Venancio. Kami po residente ng Hermosa St., Tondo ay nananawagan sa MWSS at DPWH na aksiyonan naman nila ang flashing sa aming lugar. Sobra na po ang alikabok ng lugar namin dito sa Brgy. 178 Zone 16, District 2. Halos hindi na kami makahinga sa kapal ng alikabok. Isang taon na po mahigit ang hukay dito. – 09182027…
Dapat kalampagin ng Manila City government ang kontraktor na humukay sa nasabing lugar. Paging Manila City Mayor’s Office: Paki-check ng sumbong na ito ng mga taga-Brgy. 178, pls. Aksyon!
Mahabang pila sa Pasig Postal Post Office
– Sir Joey, dito po sa Pasig Postal Post Office ang daming tao nag-aaplay ng postal ID para sa registration sa Comelec. Reklamo po nila, kulang sa tao para mapadali ang proseso ng application nila para hindi na bumalik kinabukasan. Sana po magdagdag ng OJT sa department nila ng mga tao at maiwasan ang magagalit ng mga tao na nakapila at inaabutan ng breaktime ng mga staff doon para mapabilis ang serbisyo. Salamat po. – 09463456…
Bentahan ng shabu sa Brgy. Baybay, Catarman, Samar
– Magandang buhay po, Sir Joey. Sana po masugpo na dito sa amin ang bentahan ng shabu, dito po sa Brgy. Baybay, Catarman (Samar). Ang pusher dito ay siya ring asset para madakip ang ibang nagtitinda ng shabu para masolo nya ang bentahan. May padrino raw kasi itong pusher. Sana po matapos na ang bentahan. Secret my number, pls. – Concerned citizen
Paging Catarman Police at PDEA-Samar. Aksyon!
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]
ni Joey Venancio