Wednesday , November 6 2024

Mag-asawa pinagbabaril sa harap ng 3 anak

ILOILO CITY – Patay ang mag-asawa makaraan pagbabarilin sa Brgy. Acuit, Barotac Nuevo, Ilo-ilo kamakalawa.

Ang krimen ay nasaksihan ng tatlong menor de edad na anak ng mag-asawang Mel at Rex Develos, at ng kanilang pamangkin.

Pauwi ang mga biktima sa kanilang tinutuluyang bahay nang pagbabarilin ng tatlong mga suspek. 

Tumakbo ang tatlong anak ng mag-asawa kasama ang kanilang pamangkin, ngunit nakalingon at nakita kung paano pinatay ang kanilang mga magulang.

Hinihinalang niresbakan ang mag-asawa makaraan mapatay noong Enero ng mga pulis sa kanilang bahay ang dalawang wanted, kabilang ang lider ng notoryus na Magno group na si Rolando “Totong” Magno na nagtago roon, at nahaharap sa patong-patong na kaso ng pagpatay at robbery.

Pinaniniwalaang pinaghinalaan ng natitirang mga miyembro ng Magno Group na ang mag-asawa ang nagbigay ng impormasyon sa mga pulis kaya natunton at napatay ang kanilang lider at isang kasamahan.

About hataw tabloid

Check Also

San Rafael, Bulacan

Tresspasser nahulihan ng baril at granada

Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos na ito ay walang sabi-sabing pumasok sa bakuran …

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

Malacañang suspends 3 Dagupan councilors

The Office of the President suspended Dagupan City Councilors Redford Erfe-Mejia, Alipio “Alf” Serafin Fernandez, …

Brian Poe Lamanzares FPJ Panday Bayanihan party-list

Serbisyong legal para sa kapos-palad kaloob ng lawyers group at FPJ Panday Bayanihan party-list

SISIMULAN na ang mga serbisyong legal at konsultasyon sa darating na Biyernes, 8 Nobyembre, makaraang …

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *