Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P11-M shabu kompiskado sa CDO couple

100814 shabu drugsCAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang mag-asawang Maranao natives na hinihinalang tulak ng shabu sa inilunsad na operasyon sa Zone 1, Brgy. Kauswagan, sa Lungsod ng Cagayan de Oro kahapon ng mada-ling-araw.

Inihayag ni City Councilor Roger Abaday, kabilang sa nakasaksi, nakuha ng PDEA operatives ang tinatayang isang kilo ng shabu sa pag-ii-ngat ng mag-asawang Hadji Amin Ansare at Ayna Sharif, taga-Lanao del Sur, sa loob ng kanilang inuupahang apartment sa Cagayan de Oro City.

Aniya, tinatayang nagkakahalaga ng P11 milyon ang nabawing droga.

Nakuha rin sa pag-ii-ngat ng mga suspek ang kalibre .45 baril, drug pa-raphernalia at isang getaway vehicle.

Nadakip ang mag-asawa sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte mula sa Butuan City.

Ang pagkakahuli sa mga suspek ay resulta nang pinagsanib na ope-rasyon ng mga operatiba  ng  PDEA 10 at PDEA 13 sa nasabing lungsod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …