Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Napoles naibiyahe na sa Correctional  

072514 napoles prisonNAILIPAT na si Janet Lim-Napoles sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City mula sa Camp Bagong Diwa, Taguig City pasado 1 a.m. kahapon.

Isinakay ang tinaguriang pork barrel scam queen sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) armored service vehicle.

Una rito, dinala ng Sandiganbayan sheriff ang commitment order kay Napoles.

Ayon kay BJMP Metro Manila public information officer Inspector Aris Villaester, bandang 1:35 a.m. nang makarating ang akusado sa Women’s Correctional.

Siniguro ng BJMP na walang special treatment na ibibigay kay Napoles.

Bago ito, hiniling ng kampo ni Janet Napoles sa Sandiganbayan na payagan siyang manatili sa BJMP detention facility.

Ngunit lumalabas sa mismong pag-amin ni Dr. Edilinda Patac, officer-in-charge sa correctional, congested na ang kanilang mga piitan.

Para sa mga abogado ni Napoles, sana ay ikonsidera ang kalusugan at seguridad ng kanilang kliyente.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …