Friday , November 15 2024

Iqbal tunay na pangalan ayaw ibunyag

iqbalNANGAKO si Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief negotiator Mohagher Iqbal na sasabihin ang tunay niyang pangalan kapag nag-”normalize” na ang sitwasyon sa pagitan ng MILF at gobyerno hinggil sa usapin ng peace process.

“When the BBL will be passed by Congress hopefully, and then it will be rectified by the people, it will be implemented that would be the time that everything will normalize and we can disclose everything in our identities but in this point of time I request this honorable body not to compel me to disclose my identity.”

Ito ang inihayag niya sa paggisa sa kanya sa Senado hinggil sa paggamit niya ng ‘nom de guerre’ o alyas habang may peace process.

Sa Senate hearing nitong Lunes kaugnay sa Bangsamoro Basic Law (BBL), kinuwestiyon ni Sen. Bongbong Marcos, chair ng Committee on Local Government, ang alyas ni Iqbal lalo’t binabanggit na para sa seguridad kaya niya ito ginagamit.

“In starting a revolutionary struggle, [it] is a very difficult and dangerous enterprise that would require first of all, not just the security of the person involved like myself but [also for what] he or she is espousing for. Otherwise if you are not able to really succeed in concealing our real identity, not to deceive people but mainly to protect my person, to protect my family, to protect the struggle then perhaps I would not have been around today,” diin ni Iqbal.

Depensa niya, Pebrero 1979 pa niya ginagamit ang kanyang ‘nom de guerre’ na hindi kinuwestiyon nina dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at kasalukuyang Pangulong Benigno Aquino III kahit may formal, political engagement.

Normal din aniya ang paggamit ng nom de guerre sa revolutionary organization.

Niño Aclan

BBL ‘di isusuko ni PNoy kahit pahirapan

HINDI pa rin natitinag ang Malacanang sa determinasyon na ipasa sa Hunyo ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at maisunod na rin ang plebisito sa kabila ng kinakaharap nitong balakid kasunod ng Mamasapano incident.

Kahapon, itinuloy ang deliberasyon sa panukalang BBL, at sinabi ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, malabong maipasa ang panukalang batas kapag napatunayang may mga paglabag sa peace agreement na pinirmahan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng pamahalaan.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, hindi nababawasan ang determinasyon ni Pangulong Aquino at ng pamahalaan sa pagtataguyod ng prosesong ito para sa kapayapaan sa Mindanao.

Ayon kay Coloma, handang sagutin ng gobyerno ang lahat ng katanungan sa panukalang batas at umaasa silang mabigyan ito ng pagkakataon.

Una nang nagbabala ang Pangulong Aquino at si government chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer na maaaring magbunga sa karahasan kung mabibigo ang peace process sa MILF.

“Buo ang determinasyon ni Pangulong Aquino at ng pamahalaan na itaguyod itong prosesong ito; una, sa pamamagitan ng pagpasa ng draft ng Bangsamoro Basic Law sa Kongreso at sa pag-sang-ayon ng mayorya ng mga mamamayan sa mga area ng Bangsamoro, kapag ito ay iniharap na sa plebisito para maipagpatuloy at makompleto natin ang prosesong pangkapayapaan,” ani Coloma.   

Niño Aclan

Alyas ni Iqbal ‘wag palakihin  — Palasyo

IGINIIT ng Malacañang na hindi na dapat palakihin pa ang usapin sa paggamit ng alyas ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal sa nagpapatuloy na peace negotiation sa panig ng pamahalaan.

Ginawa ito ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda makaraan magtakda si Iqbal ng kondisyon na ibubulgar lang niya ang tunay na pangalan kapag napasa na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at naging normal na ang sitwasyon.

Nauna nang kuwestyunin nina Senador Chiz Escudero at Sen. Tito Sotto ang paggamit ni Iqbal ng alyas dahil sa mga usaping legal sa peace process.

Sinabi ni Lacierda, umaasa ang Malacañang na malulutas din sa lalong madaling panahon ang isyu ng tunay na pangalan ni Iqbal.

Ikinatwiran ni Lacierda, nagkakaisa aniya ang mga senador, kabilang na si Sen. Bongbong Marcos, na hindi dapat makaapekto sa usapang pangkapayapaan ang isyu kay Iqbal na isang maliit na bagay lamang.  

Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *