Sunday , April 28 2024

2 dalagita nasagip sa human trafficking

112414 kambal abusedNASAGIP ng mga awtoridad ang dalawang dalagitang hinihinalang biktima ng human trafficking, mula sa isang pension house sa Brgy. Canelar, Zamboanga City kamakalawa.

Ang mga biktimang may gulang na 17-anyos at 19-anyos ay mula sa isang bayan sa Bulacan.

Ayon sa salaysay ng mga biktima, anim na araw silang nanatili sa loob ng Atilano Pension House makaraan silang iwanan ng recruiter na nakilala lamang nila sa cellphone.

Anila, ni-recruit sila ng isang alyas Epa sa pamamagitan ng text para magtrabaho sa Malaysia.

Napag-alaman ng mga awtoridad, bukod sa dalawang nasagip ay may dalawang biktima pang taga-Bulacan din ang una nang nakaalis papunta sa lalawigan ng Tawi-Tawi. 

Ayon sa ulat ng Women and Children Protection Desk ng Zamboanga City PNP, pinaniniwalaang dumaan ang mga biktima sa tinuguriang ‘back door’ ng bansa sa pamamagitan ng Tawi-Tawi.

Ang dalawang nasagip ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan.

Micka Bautista

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *