HINDI natin gusto na mayroong malaking punongkahoy malapit sa ating bahay. Ito ay dahil hindi lamang feng shui concern, kundi pagpapahayag din ng common sense.
Upang magkaroon nang sapat na breathing room ang bahay, gayondin ang puno, kailangang isulong ang good feng shui energy at ligtas na kapaligiran.
Kung ang punongkahoy ay direktang nasa harap ng main/front door, ito ay ikinokonsiderang challenging feng shui, dahil sa front door nasasagap ng bahay ang Chi, o energy nourishment.
Ang harang sa harap ng pintuan ay posibleng maging sagabal sa sa pagpasok ng enerhiya, na maaaring magresulta sa respiratory problems sa mga taong naninirahan sa nasabing bahay.
Kung ang punongkahoy ay nasa kaliwa ng front door (habang nakatingin ka mula sa pintuan) ito ay maaaring magdulot nang masuwerteng feng shui dragong energy, lalo na kung ang puno ay mataas at madahon.
Kung ang puno ay nasa kanan (kung nakatingin ka mula sa front door), ito ay nagdudulot ng considerable difference sa taas kompara sa kaliwang side; ito ay maaaring magdulot ng slightly unbalanced energy sa bahay.