Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang mga ‘Cancer Hotel’ sa Tsina

Kinalap ni Tracy Cabrera

041415 china cancer hotel

NAKAPAGHANDA na si Li Xiaohe sa kanyang kalagayan sa loob ng maliit nguni’t maaliwalas niyang silid sa western Beijing, hindi kalayuan sa pinakasikat na cancer hospital sa Tsina. Habang pinapatuyo ang kanyang labada sa nakasabit na mga hanger, nagluluto naman ang kanyang mister bago magsimula si Li ng 84-araw na chemotherapy, kasunod ng pag-alis ng bahagi ng kanyang kanang dibdib.

Nakatira ngayon ang 43-taon-gulang na neighborhood watch leader sa Henan province sa lumalaganap na mga ‘cancer hotel’ na nagsusulputan ngayon malapit sa ospital para mabigyan ang libo-libong cancer patients ng affordable at cozy na tirahan habang naghihintay sa kanilang mga appointment at sumailalim sa outpatient treatment.

Kamakailan, kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng lung, bowel at breast cancer sa Tsina kung kaya ang mga hotel tulad ng tintirhan ni Li ay mabilis din nagsulputan sa mga lungsod tulad sa Beijing at Shanghai, bilang ad hoc response sa lamalaganap na health crisis.

“Iba kasi iyong treatment doon sa amin kaya pumunta kami rito,” paliwanag ni Li habang namamahinga sa kanyang silid, na sa sobrang kaliitan ay halos mapuno ng kanyang higain.

“Sa aking pinanggalingan, sagot ng insurance ko ang 85 porsyento. Dito masuwerte na kung makuha ko ang kalahati Pero ginagawa ko ito para sa aking kalusugan. Hinahanap ko ang tamang treatment para sa aking karamdaman,” dagdag niya.

Hindi man nakapagbibigay ang mga cancer hotel ng nursing para sa mga pasyente, nailalagay naman sa lugar na malapit sa serbisyong medikal at mga doktor, at nakapagbibigay puwang para makapagluto at makipag-ugnayan sa kanilang kapwa pasyente.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …