ANG main entry ay napakahalaga sa feng shui dahil sa pamamagitan nito ay nasasagap ng bahay ang Chi, o universal energy, para ito ay maging matatag at malakas. Kung gaano kaganda ang kalidad ng chi na nasasagap ng bahay, ganoon din kaganda ang kalidad ng enerhiya na susuporta sa iyo at sa iyong pamilya.
Sa pagpili ng best feng shui colors para sa inyong front door hanggang sa tamang pagposisyon ng fountain; sa pagbusisi sa feng shui ng hagdanan na nakaharap sa main door hanggang sa pagpili ng best shape and design ng main entry rug – ang bawat detalye ay mahalaga sa feng shui.
Narito ang 3 main feng shui design aspects.
*Hugis. Sa ano mang feng shui home o office application, palaging alamin ang inyong nararamdaman, gayondin ang basic interior design principles. Anong hugis ang nababagay sa inyong bahay? Pangalawa, hanapin ang feng shui direction kung saan nakaharap ang inyong front door at alamin kung anong hugis ang nararapat sa feng shui element ng nasabing direksyon.
Halimbawa, kung ang front door ay nakaharap sa East, mairerekomenda ang rectangular (Wood feng shui element) o square (Earth feng shui element) shapes.
Mainam na iwasan ang round shape, dahil ito ay Metal feng shui element shape, sa East facing front door rug design.
Kulay. Maaaring pumili ng best colors para sa main entry rug ayon sa enerhiya ng feng shui element. Sa ating halimbawa sa East facing main door, ang colors ng tatlong feng shui elements na maaaring pagpilian ay Earth, Wood and Water elements.
Ang mga kulay na dapat iwasan ay Metal and Fire element colors, katulad ng white, gray o red.
Disenyo. Mahagang ikonsidera sa pagpili ng ano mang floor rug ang katotohanan na maaaring araw-araw kang tatapak dito. Kaya pumili ng design na maaaring tapakan. Huwag oorder nang may disenyong mga anghel at ibon dahil ang pagtapak sa mga anghel at ibon ay hindi magandang ideya.
ni Lady Choi