Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

40 bahay, iskul sa Tondo nasunog

mlq elementary schoolNATUPOK ang 40 bahay at bahagi ng Manuel L. Quezon Elementary School sa Tondo, Maynila nitong Linggo.

Ayon kay Fire Officer Edilberto Cruz, naapektohan ng sunog sa Perla Street ang 80 pamilya at 14 silid-aralan.

Nagsimula aniya ang sunog sa two-storey apartment ng isang Rodora Alonzo bandang 2 p.m.

Ang electrical overload ang itinuturong sanhi ng insidente.

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog bago ito nakontrol pasado 4 p.m.

Tinatayang aabot sa P5 milyon ang halaga ng napinsala.

Isang Richard Muñoz ang nasugatan sa kanang binti bunsod ng insidente.

Bahagi ng UERM nilamon ng apoy

NASUNOG ang bahagi ng University of the East Ramon Magsaysay-Memorial Medical Center (UERM) sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Dakong 3:30 a.m. nang sumiklab ang apoy na mabilis kumalat at umabot sa ika-apat na alarma dakong 4 a.m.

Batay sa paunang imbestigasyon, nasunog ang second floor ng gusali. Napag-alaman, sa computer room sa administration building nagsimula ang apoy.

Ayon kay Supt. Jesus Fernandez, posibleng nag-overheat ang aircon sa computer room na sinasabing halos magdamag nang nakabukas.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga bombero sa sunog na naapula dakong 4:40 a.m.

Tinatayang nasa P150,000 ang halaga ng pinsalang idinulot ng sunog sa istruktura habang inaalam pa ang danyos sa mga kagamitan sa loob ng kwarto.

Walang naiulat na nasugatan sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …