Sunday , December 22 2024

Andray Blatche babalik sa Gilas

ni Tracy Cabrera

032115 Andray Blatche

BASE sa kanilang huling paguusap, malaki umano ang posibilidad na magbalik si Andray Blatche para isa pang tour-of-duty sa national team para sa FIBA Asia Championship sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 3 sa Changsa, China, ayon kay Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin.

“I’m not looking for anybody else,” pahayag ni Baldwin. “We have contacted him and he’s available at the moment to play for Gilas Pilipinas.”

Gayun pa man, sa pagkonsidera sa kalibre ni Blatche na nakapaglaro na ng siyam na season sa dalawang team sa NBA, malaki din umano ang posibilidad na mag-sign in ang 6-foot-11 sentro sa isang NBA team, o maglaro sa Europa o maglaro muli sa pro league ng Tsina na CBA.

Nagsimula si Blatche ng kanyang NBA career sa Washington Wizards noong 2005, saka lumagda ng free agent deal sa Brooklyn Nets para sa dalawang season bago nakamit ang status na unrestricted free agent noong 2014.

Sa siyam na season sa NBA, nag-career average siya ng 10.1 puntos at 5.4 na rebound.

Matapos maglaro para sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa Spain, nagdesisyon si Blatche na maglaro sa Tsina para sa Xinjiang Flying Tigers, na kung saan ay nag-averag naman siya ng 31.1 puntos, 14.6 na rebound, 5.1 assist at 2.8 steal sa 38 laro.

Ayon kay Baldwin, sakaling hindi available si Blatche, si Marcus Douthit ang magiging naturalized player ng Gilas. Huling naglaro si Douthit para sa national team sa Asian Games sa Incheon, South Korea nang maghatol ang Olympic Council of Asia (OCA) na ineligible si Blatche dahil sa isyu ng kanyang residency.

Ang FIBA-Asia Championship ang siyang qualify tournament para sa Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil sa susunod na taon.

Inaasahang papangalanan ni Baldwin ang mga PBA player na papasok sa national team pool matapos ang ongoing Commissioner’s Cup, na kung saan pipiliin niya ang kabuuan ng Gilas Pilipinas para sa Asian championship.

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *