Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Talamak na sugalan sa Tondo, Manila at unang pakarera ng kasapi

00 dead heatMGA ILLEGAL na pasugalan sa area ng Tondo, Manila patuloy pa rin humahataw. Talamak na pasugalan na bookies ng karera na nasasakupan ni Chairman Ronaldo Torres ng Brgy. 60 Zone 5 Dist.1 Tondo, Manila .

Ang mga pasimuno ay mismong mga opisyales at kamag-anak ni Chairman Ronaldo Torres na sina Boy Tasyo Suba, Lupon ng Brgy, Arnel Calipe tanod Rolando Guadelupe at Erning Duling na mga tiyuhin ni Chairman.

Halos lahat ay opisyales ni Chairman Torres ang napapapatakbo na nagkalat ng mga lantarang operasyon nila na mga illegal na pasugalan.

Maraming beses na itong nireklamo pero walang aksyon dahil may blessing ka raw sa mga pasugalang iyan.

Manila Barangay Bureau Director Jess Payad paki-aksyunan naman po itong pasugalan na bookies ng karera sa Brgy. 60. Marami na pong mga bata na natuto sa sugal ito.

***

SANGKATUTAK NA VIDEO KARERA NI GINA “QUEEN” GUTTIEREZ

Ang mga ito ay matatagpuan sa mga Brgy. ni Chairman Marie Asilo ng brgy.91- Chairman Albert Carpio ng brgy 100- Chairman Tony Santos ng brgy 104-Chairman Ypon ng brgy 101 – Chairman Lene Reyes ng brgy 105 – Chairman Dino ng brgy 79- Chairman Gungun ng brgy117 at Chairman Gemo Saldana ng brgy 97. Ang mga ito ay nasasakupan ng distrito 1, Tondo, Manila .

Ilan lang ito ng mga Chairman ng Distrito Uno Tondo ng protector ng VIDEO KARERA ni Gina Gutterez na palaging pinagmamalaki na may HATAG o TARA siya kay Mayor Erap.

Mayor Erap baka puwede ninyong paki-imbistigahan kay Manila Barangay Bureau Director Jess Payad ang mga Barangay Chairman na protector ng VK ni Gina.

Marami na kasing kabataang estudyante ang nagiging sugapa sa sugal na ito at pati mga ADIK dumadami na rin dahil sa hinayupak na VIDEO KARERA ni GINA!

***

Sa araw ng Sabado, Marso 21 ay hahataw sa karerahan ng Philippine Racing Club, Inc., Naic, Cavite ang unang “KASAPI STAKES RACE” na sponsor ng Philracom.

Ito ay may total gross prize na P300,000 na hahatiin para sa mananalo, segundo, tersero at pang-apat na dara- ting sa finish line ayon sa pagkakasunod.

Ayon kay Mr. Nicson Cruz, presidente ng KASAPI ang proceeds na matatanggap ng KASAPI ay ilalaan sa mga darating ng proyekto at itutulong sa mga miyembro na mangangailangan ng tulong sa darating ng panahon.

Nagpapasalamat si Mr. Cruz sa Philippine Racing Commission (Philraco) Chairman Andrew Sanchez at sa mga isponsor sa kanilang pakarera.

Bayang Karersita suportahan po natin ang pakarera ng KARERA STATION ASSOSCIATION OF THE PHILS.INC. (KASAPI).

***

Nagpapabati po sa ating kolum sina Mr.Pol Natividad ng HARIZZ OTB & Resto Bar, Ms. Remy Dayrit ng ALIBI OTB, Kgd. Greg Tumbagahon at Rosario Bonus ng OKASAN OTB, Mr. Oscar at May Golez ng KHAI MHEY OTB, Jojo Bayani ng BAYANI OTB at Estela Zamora ng ARAYAT OTB. Ang aking kaibigan na horse owner na si Mr. Lito “Lord Marshall” Guevarra at ang senior manager ng SOGO HOTEL Mr.Nelson Ordonez ng SO GOod so clean Hotel!

MABUHAY KAYONG LAHAT!!

ni Freddie M. Manalac

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …