Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: White Lily (Ika-27 labas)

00 kuwento“Mahal kita…” nasambit ni Lily.

“Ikaw rin, mahal na mahal ko,” anas sa kanya ng binata na nanghalik sa kanyang leeg.

“P-pakakasalan mo ba ako… kung saka-sakali…” aniya na buong pusong nagpapaubaya kay Ross Rendez.

“Kung ano ang inaakala mong pabor sa panig mo, ‘yun ang susundin ko…” anito sa paghihinang ng kanilang mga labi.

Hindi na niya nasabi tuloy na hindi pa siya handang magpatali sa kasamiyento ng kasal. Wala kasing ibang kakalinga at tutugon sa mga pangangailangan ng kanyang mga magulang na kapwa maysakit.

Kaya hindi siya makapalya ng pasok sa club. At demonyohin ng masasalaping kalalakihan na naghahangad “maigarahe” siya at maging isang kabit. Kulang na nga lang ay ipangako sa kanya pati na ang langit.

“Magbubuhay-reyna ka sa akin, Lily”

“Kung makikipag-live-in ka sa akin, lahat ng gusto mo ay ibibigay ko sa ‘yo…”

“Magdedeposito agad ako sa banko nang milyon sa pangalan mo oras na sumama ka sa akin. At susustentohan ko pa ang pamilya mo…”

Tinawanan lang noon ni Lily ang alok sa kanya ng mga D.O.M (Dirty Old Man).

Pero naging malubha at nagkaroon ng mga komplikasyon ang sakit na diabetes ng Mommy Sally niya. Alam niyang may tsansa pang humaba ang buhay ng kanyang ina kung madadala ito sa isang mahusay na pagamutan at masusustenahan ng mahuhusay na gamot. Wala naman siyang pera upang matulungan ito. Tuwing ikalawang araw na kasi ang pangangailangan nito sa dialysis.

Naisanla na pala ng Daddy Louie niya sa banko ang kanilang bahay at lupa. Kung kani-kanino lumapit si Lily para makapa-ngutang nang malaking halaga. Wala si-yang malapitan. At sa kakilala naman ni-yang usurero ay limitado lang ang perang puwedeng ipautang.

“Puwera na lang kung… alam mo na ang ibig kong sabihin, iha,” ang hirit kay Liliy ng ganid at manyakis na nagpapautang ng five-six sa kanilang lugar. “Tawagan o i-text mo lang ako, kung payag ka sa gusto ko.” (Itutuloy)

ni REY ATALIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …