Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bawal ang “spies” sa Wild Card Gym

030715 freddie roach pacman folyd

00 kurot alexALERTO ang team Pacquiao sa katusuhan ng kampo ni Floyd Mayweather.

Isa sa solusyon ni Freddie Roach para hindi mapasukan ng mga pakawalang sparmates ng Team Floyd ay ang gawing “closed doors” ang gagawing sparring ng Pambansang Kamao sa Wild Card Gym.

Off limits kaninupaman ang Wild Card gym maliban sa direktamenteng involved sa sparring.

Ganoon kaingat si Freddie sa posibleng “spies” ni Floyd sa loob mismo ng Wild Card gym.

Ipinagbabawal din ni Roach ang anumang videos o camera na kukuha sa workout ni Pacman. Maiiwasan nga namang makunan ang anumang ginagawa nilang istratehiya sa ring.

oOo

Avid fan ni Floyd Mayweather Jr itong si Lou “Cinder” Block ng NOWBOXING.COM.

Masayado niyang minaliit ang kakayahan ni Pacquiao sa kanyang kolum nito lang March 18 nang sabihin niyang malalaman ng buong mundo sa May 2 na wala talagang karapatang si Pacquiao para hamunin si Floyd.

Sinabi pa nito na pinasikat lang ng media si Pacquiao kung bakit niya narating ang matinding kasikatan.

Ang isang matindi niyang batayan kung bakit dudurugin ni Floyd si Pacquiao ay nangyaring knockout na pagkatalo nito kay Marquez, na nilaro lang ng kanyang idolong si Floyd nang magharap sila.

Tinatawanan lang niya ang prediksiyon ni Freddie na mananalo si Pacquiao via knockout. Dahil sa laban sa May 2—tuturuan lang daw ng matinding leksiyon ni Floyd ang pinagmamalaki ng Pilipinas.

Hindi lang avid fan ito ni Floyd. Mukhang nasupalpalan ng pera sa mukha.

Palagay ko, hindi na ito magsusulat pa sa NowBoxing.com kapag natalo si Mayweather.

 

ni ALex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …