Saturday , November 23 2024

Lolo’t lola, 5-anyos totoy patay sa 2 sunog (2 bombero, 7 pa sugatan)

FRONTPATAY ang dalawang matanda, isang 5-anyos batang lalaki  habang siyam ang sugatan kabilang ang dalawang fire volunteer, sa magkahiwalay na insidente ng sunog sa Malabon City at Bacolod City.

Sa Malabon City, binawian ng buhay ang lolo at lola at sugatan ang siyam katao kabilang ang dalawang fire volunteer, nang lamunin ng apoy ang higit sa 300 bahay dahil sa illegal connection ng koryente kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Agustin Eristem, 72, natagpuan sa loob ng isang drum na kanyang pinagtaguan, at Virginia Ytac, 62, hindi na nakalabas ng kanyang bahay, kapwa ng Kadima Damata, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Habang nilalapatan ng lunas sa sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang dalawang fire volunteer na sina Michael Tabirol, 41, ng Alliance Communication and Emergency Rescue  (ACER), at Edel Santos, 31, ng Tinajeros Fire Volunteer, nang hatawin ng bote sa ulo at mukha ng mga residente.

Nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktimang namatay at agarang tulong sa mga residenteng naapektuhan ng sunog si Cong. Jaye Lacson Noel, at paiimbestigahan  sa kinuukulang mga ahensya ng pamahalaan ang napaulat na pananakit ng mga residente at pagpigil  sa mga tumutulong na fire volunteers  upang hindi maapula ang apoy.

Ayon kina Bureau Fire Protection-National Capital Region director, Sr. Supt. Sergio Soriano Jr., at SF04 Albino Torres, dakong 8:16 p.m. nang biglng sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng isang nagngangalang Marichu sa nasabing lugar.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan dahil pawang gawa lamang sa light materials  hanggang umabot sa ikalimang alarma ang sunog na tinatatayang nasa P3 milyon ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.

Samantala sa Bacolod City, patay ang isang 5-anyos batang lalaki nang masunog ang kanilang bahay kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Mars Arnado, pang-lima sa anim magkakapatid, kasamang nasunog habang nilalamon ng apoy ang kanilang bahay sa Purok Riverside, JJ Gonzaga, Brgy. Mansilingan.

Nangyari ang sunog dakong 3:30 a.m. habang wala ang mga magulang ng biktima dahil umalis nang maaga upang magtinda ng tinapay at kape sa labas ng PNP traning center.

Batay sa salaysay ng kapatid ng biktima na si Jay, 13-anyos, ginising sila ng kanilang ate na si Rachel, 16, nang makitang nagliliyab na ang apoy sa kanilang kusina.

Nakalabas na silang lahat ngunit bumalik sa loob ng bahay si Mark at muling humiga sa sala at natulog.

Hindi na aniya nila nailigtas ang kapatid dahil tumakbo sila upang humingi ng tulong at huli na nang mamalayan na bumalik pala sa loob ang kapatid kaya na-trap sa nagliliyab na bahay.

Patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection kung ano ang sanhi ng naturang sunog.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *