AARANGKADA ngayong buwan bilang regular service ang unang “poo bus” sa Britain na pinaaandar gamit ang gas mula sa humand and food waste.
Paaandarin ng biomethane gas, ang Bio-Bus ay gagamit ng ‘waste’ mula sa mahigit 32,000 kabahayan sa 15-mile route nito.
Ino-operate ng bus company First West of England, ang bus ay kakargahan sa site sa Avonmouth, Bristol, kung saan ang sewage and inedible food waste ay ginagawang biomethane gas.
Ang bus, na maaaring magsakay ng hanggang 40 katao, ay pinasinayaan sa Bristol area nitong nakaraang autumn.
Ipinakita na ng Transport company First ang bus kamakailan at patatakbuhin ng apat na araw kada linggo sa Service 2, na bibiyahe mula Cribbs Causeway hanggang Stockwood, simula sa Marso 25.
Kapag nagtagumpay sa rutang ito, magdaragdag ang First ng iba pang ‘poo buses’.
Sinabi ni First West of England managing director James Freeman, “Since its original unveiling last year the Bio-Bus has generated worldwide attention and so it’s our great privilege to bring it to the city, to operate – quite rightly – on Service 2″.
“The Bio-Bus previously made an appearance running between Bath and Bristol Airport at the end of last year, but it’s only actually been used once before in the centre of Bristol itself.”
“The very fact that it’s running in the city should help to open up a serious debate about how buses are best fuelled, and what is good for the environment.”
(ORANGE QUIRKY NEWS)