Thursday , May 16 2024

2 patay, 3 sugatan sa sunog sa Kyusi

qc firePATAY ang dalawa katao habang tatlo ang sugatan nang tupukin ng apoy ang 15 kabahayan sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni Quezon City Fire Marshall, Sr. Supt. Jesus Fernandez, kinilala ang mga biktimang namatay na sina Michael Perez, 20, at Raymel Santos, 10, kapwa dumanas ng 3rd degree burn sa kanilang katawan.

Habang sugatan sina Rose Ann Cervano, 24; Elena Cabrera, 64; at Rosalie Serbano, 43-anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 10:30 p.m. nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang nangangalang Ramon Latona sa Margarita St., Brgy. Gulod.

Dahil karamihan sa mga bahay sa lugar ay gawa lamang sa kahoy, mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang 15 kabahayan.

Naapula ng mga bombero dakong 12:30 a.m. ang sunog na umabot ng ikatlong alarma.

Sa paunang imbestigasyon, napag-alaman na itinapong upos ng sigarilyong may sindi ang pinagmulan ng sunog sa bahay ni Latona.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

PHil pinas China

Higpit sa visa vs Chinese tourist ‘di dahil sa WPS tension – DFA

MARIING itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang patuloy na tensiyon sa West …

Department of Tourism DOT

DOT namahagi ng P25-M libreng insurance coverage sa 50 tourist guides sa CL

IPINAMAHAGI ng Department of Tourism (DOT) ang nasa P25 milyong halaga ng libreng insurance coverage …

Navotas greenhouse facility

Navotas greenhouse facility pinasinayaan

MAGKAKAROON na ngayon ang mga Navoteño ng karagdagang pagkukuhaan ng sariwa at organikong ani ng …

Malabon Police PNP NPD

Miyembro ng ‘Rosales’ criminal gang, arestado sa baril

INARESTO ang sinabing isang miyembro ng criminal gang matapos inguso sa mga pulis na may …

human traffic arrest

12 babaeng biktima ng human trafficking nailigtas ng QCPD

NAILIGTAS ng Quezon City Police ng 12 biktima ng human trafficking habang nadakip ang dalawang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *