PIKANG-PIKA na sa mga lasing na ginagamit ang kanilang lansangan bilang isang malaking public urinal, ang mga residente ng St. Pauli, ang party quarter ng lungsod ng Hamburg sa Germany, ay nakaisip ng kakaibang paraan para resbakan ang mga mahihilig umihi sa pader.
Pinintahan ng St. Pauli community organization ang mga pader ng superhydrophobic coatings na nagdudulot nang pagtalsik ng ihi pabalik sa lalaking iihi na tiyak na kanyang ikaiirita.
Sinasabing naging epektibo ang nasabing kampanya dahil bumaba ang bilang ng mga umiihi sa pader.
Ayon sa isang residente ng St. Pauli sa video ng kampanya, “It’s peeback time.” (ORANGE QUIRKY NEWS)