Monday , November 18 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Tagos ang mata sa langit

031115 eyes star moon sky

00 PanaginipGud a.m. Po,

Tnong ko lng po kc nanaginip ko sa aking pg higa tgos ang aking mta sa keseme at kta ko ang npakraming bituin sa langit, ano po kya ito t. y. (09486289008)

To 09486289008,

Nasagot ko na ang panaginip mong ito, kaya hindi ka na dapat nagtext ulit. Dapat ay inaabangan mo sa Hataw ang pag-interpret sa panaginip mo kapag nagte-text ka sa akin. Pero just in case hindi mo nabasa sa Hataw, inuulit ko ang sagot ko sa panaginip mo. .

Ang panaginip ukol sa kaliwang mata ay nagre-represent ng moon, samantalang ang kanan ay ang sun. Ang mata ay may kinalaman din sa enlightenment, knowledge, comprehension, understanding, at intellectual awareness. Ang iyong bungang-tulog ay posibleng nagsasaad ng hinggil sa iyong subconscious at nilalaman ng iyong isipan. Maaari rin namang nagpapa-alala ito sa iyo na dapat mong makita ang mga nangyayari sa labas at sa iyong kapaligiran, dahil posibleng may mahalagang desisyon kang dapat gawin na may kaugnayan dito.

Ang bituin sa iyong panaginip ay sumasagisag sa success, sa iyong aspirations at ng iyong high ideals. Ito ay nagsasaad na may ilang desisyon ka na pinauubaya mo sa kapalaran at sa suwerte imbes na manggaling ito sa iyo mismo. Alternatively, ang mga bituin ay maaaring may kaugnayan sa iyong hangarin na maging tanyag at mayaman. Maaari rin namang ang kahulugan ng panaginip mo ay bilang paalala na ang mga hinahangad at minimithi mo sa buhay ay nagkakaroon na ng porma at mas maiintindihan mo na ang magiging kahihinatnan nito sa hinaharap.

Señor H.

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *