Saturday , January 4 2025

Mga maikling-maikling kwento: White Lily (Ika-19 labas)

00 kuwentoMay mga nagpaparamdam sa kanya na gustong-gusto siyang mai-take-out. Mayroon pang ang gusto agad ay maigarahe siya. Ang ilan, dinadaan siya sa pera-pera, parega-regalo at pagyayabang sa yaman. Ang kinasusuklaman niya ay ‘yung mga lalaking ibig siyang bitagin sa taglay na impluwensiya sa gobyerno.

Nag-shopping si Lily nang araw na iyon sa isang kilalang mall sa Greenhills.

Namili siya roon ng mga personal na gamit. Cellphone, laptop at mga produktong pampaganda. Bago umuwi, dumaan muna siya sa isang bookstore. Binayaran niya sa kahera roon ang ilang librong sinasabing best seller. Kasama pala sa mabentang aklat ang ilan sa mga isinulat ni Ross Rendez.

Hindi siya sumabay sa karamihan ng nag-aabang ng taksing masasakyan. Rush hour pa naman at walang dahilan para magmadali siya sa pag-uwi. Nagkape siya sa sikat na coffee shop sa bukana ng ground floor ng mall. Doon niya binasa ang isa sa mga akda ng kinagigiliwan niyang writer. Minsan pa siyang napahanga nito. At muling napukaw ang interes niya sa pagsusulat.

Nalaman ni Lily sa mga FB friends na may book launching si Ross Rendez sa darating na linggo. Sa pakikipag-chat niya sa isang nakasama noon sa pa-seminar-workshop nito ay ‘nami-miss’ na raw siya ng grupo ng mga ‘bagong dugo’ sa lara-ngan ng pagsusulat. Kesyo nawawala raw kasi siya sa sirkulasyon. Nagtatanong-tanong rin daw si Ross ng tungkol sa kanya. At “apple of the eyes ka ‘ata ni Sir Ross,” ang biro ng ka-chat niya sa FB.

Dumalo siya sa book launching ni Ross Rendez. Tulad nang dati, nagpuntahan doon ang mga tagahanga at disipulo nito sa lara-ngan ng literatura. Nagkaroon ng book signing. Pinapirmahan niya sa binatang manunulat ang aklat na binili niya sa isang book store sa Greenhills.Pagkatapos niyon, nakipagkapihan siya sa mga naroroon. Nakipagchika-chikahan siya. Doon niya narinig ang mga bulong bulungan ‘yun:

“Going forty na si Sir Ross pero binata pa rin…”

“Pero tingin ko’y indi naman siya ang tipo ng lalaking pumipilantik ang mga daliri sa pagsasalita…” (Itutuloy

 

ni REY ATALIA

 

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *