Saturday , January 4 2025

Feng Shui: Cubicle para sa career success

030915 cubicle office feng shui

00 fengshuiKADALASANG hindi idinidisenyo ng mga korporasyon ang cubicles para sa tagumpay, gayonman, maraming mga empleyado sa cubicle ang pakiramdam nila sila ay “stuck, exposed” o hindi makausad sa kanilang careers. Ngunit maaari mong gamitin ang Feng Shui upang higit na maging komportable sa iyong cubicle at upang mapabuti ang iyong career success hanggang sa makalipat ka sa corner office na iyong hinahangad.

*Karamihan sa cubicle layout ay nakaupo ang occupant nang nakatalikod sa cubicle entrance. Maaari mong ilagay ang iyong sarili sa command position, sa pamamagitan ng paglalagay ng salamin sa iyong harapan. Sa pamamagitan nito, makikita mo ang mga nasa iyong likuran, at makikita mo kung sino ang palapit sa iyo – sa iyong buhay at sa iyong career.

*Ang espasyo ay limitado sa cubicles, kaya karaniwang ginagamit na storage ang ilalim ng mesa. Maaaring naroroon ng computer tower, power cords, mga kahon, bags at extra pair ng sapatos sa ilalim ng iyong mesa. Alisin ang mga item na ito kung posible, at i-organisa ang alin mang naiwan dito. Maaari mo bang itabi ang iyong personal belongings sa drawer o iwan na lamang sa iyong kotse?

Tiyaking maluwag ang erya sa ilalim ng mesa. Ito ay upang ikaw ay makaupo nang tuwid upang makita nang maayos ang computer screen. Ang posisyon sa pag-upo ay maaaring magdulot ng iba’t ibang health issues.

*Tiyaking walang mabigat na bagay sa itaas ng iyong ulo. Maraming cubicles ang may built-in overhead shelves. Huwag punuin ang shelves na ito ng mga libro o mabibigat na bagay. Kundi ikaw ay makararamdam ng downward pressure, katulad ng literal weight sa iyong mga balikat. Ang items sa itaas ng iyong ulo ay maaaring magdulot din ng sakit ng ulo. Makabubuting huwag maglalagay ng items sa itaas ng iyong ulo.

*Tanggalin ang piles ng mga papel. Kapag maraming piles ng mga papel sa iyong mesa, mahihirapan kang magdesisyon kung ano ang iyong uunahin. Ang hindi tapos na trabaho ay maaaring magdulot ng stress and anxiety. Bago umuwi, tiyaking malinis ang desk upang sa iyong pagdating sa umaga ay magaan ang iyong pakiramdam at handa sa pagpapasimula ng bagong araw.

*Tiyaking ang iyong mesa at cubicle ay maliwanag. Buksan ang ilaw upang mapataas ang enerhiya sa lugar at mahikayat ang co-workers na ikaw ay bisitahin.

*Sa paglalagay ng halaman sa cubicle ay mapagbubuti ang life energy sa lugar. Ikonsidera ang money tree plant, bamboo o jade. Ang halaman ay dapat na malusog, berde at buhay, upang maikonekta ka sa kalikasan.

*Huwag ikakalat ang mga dokumento, kalendaryo at to-do lists sa paligid ng cubicle. Ayusin ang mga ito at iorganisa, at maglaan ng lugar para sa inspirational items sa iyong mesa. Ito ay maaaring mga larawan, drawings, figurines, o ano mang bagay na makapagbibigay ng kasiyahan at inspirasyon sa iyo.

*Maaaring hindi ka pahintulutang magsindi ng kandila sa iyong mesa, ngunit maikokonsiderang maglagay ng peppermint sa iyong drawer o small citrus air freshener sa iyong lugar. Ang bango nito ay gigising sa iyong diwa at bibigyan ka ng all-natural pick-me-up sa buong maghapon.

*Panatilihin ang pagdaloy ng chi sa pamamagitan ng paglalagay ng small jar ng candy sa iyong cubicle. Ito ay hihikayat sa iba na tumigil at ikaw ay batiin sabay dampot ng kendi, na magpapalakas sa daloy ng enerhiya, yaman at kaligayahan sa iyong social circles.

 

ni Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *