Monday , April 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Humabol pero iniwan ng bus

00 PanaginipHi mgandang araw po,

Npanaginipan q kgbe na nsa ibng lugar kme na nag-aantay ng bus ng may dumating bus sumakay kme hnd kme pinaskay kc hnd daw kme nka puting t-shirt kaya bumaba kme ksma ng asawa q ng umalis ung bus hinabol dw namen nagmkaawa kme psakayin ng huminto hnd pa rin kme pnaskay hanggang umalis ulit pag-alis hinabol ulit namen na meron ng isang babae humabol dn para sumakay ng bus cnbe sa2kay daw ng huminto ulit ang bus pinasakay ung ba2e kme hnd parn pinasakay ng umalis at huminto nksakay na kme hnd punuan ung bus kya nkaupo kme un ano ba ibg sbhn ng aking panaginip? w8 k po ang sagot tnx (09479257670)

To 09479257670,

Ang panaginip na nakasakay ka sa bus ay nagsasaad na maayos o mabuti ang pakikitungo mo sa kapwa. Ngunit dahil nahirapan kayo sa pagsakay sa bus, maaaring nagsasaad ito na may mga issue na dapat harapin. Posibleng may kaugnayan din ito sa paalala hinggil sa iba’t ibang klase ng taong makakasalamuha mo sa iyong paglalakbay sa buhay.

Pati na rin ang hinggil sa haba ng iyong pasensiya at pagiging mahinahon na dapat mong laging isasaalang-alang. Sa kabilang banda, nagsasaad din ito ng pag-iwas mong igiya o lagyan ng sariling kontrol ang takbo ng iyong buhay. Maaaring nagpapakita rin ito ng pagdadaanang pagsubok o mahirap na sitwasyon at ang pangamba sa iyong magiging hinaharap.

Nag-aalala kang hind mo makaya o malagpasan ang mga pagsubok o balakid na darating sa iyo o kaya naman, nag-aalala kang hindi mo maaabot ang inaasahan o expectations sa iyo ng ibang tao. Makabubuting lagi kang manalig sa sariling kakayahan at sa kapangyarihan ng Di-yos. Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Pink Sisters

Kapayapaang Espiritwal sa Pink Sisters

ni Teddy Brul ISA sa mga pinakatahimik at sagradong destinasyon ng mga deboto ngayong Semana …

Martin Romualdez Marty Romualdez

‘Selfie Diplomacy’
Congressman Romualdez at Councilor Marty, naghatid ng ‘Asikaso’ sa Leyte District Visit

TACLOBAN CITY — Hindi lang basta inspeksiyon ng mga proyekto ang naganap, kundi isang masayang …

PAPI Aklan

PAPI Courtesy Call Strengthens Ties with Aklan Leaders

KALIBO, AKLAN – A meaningful and productive courtesy call was held between the officers of …

DOST-NCR Project EMPOWER INDIBA

Free Rehab Services for PWDs Boosted Under DOST-Led Partnership

MAKATI CITY, March 24, 2026 — Access to free and quality rehabilitation services for persons …