Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May tulog si Mayweather kay Pacquiao—Tyson

 

ni Tracy Cabrera

030615 tyson pacman floyd

NAGBIGAY ng sariling prediksyon ang tinaguriang ‘Baddest Man in the Planet’ kung paano magwawakas ang nakatakdang welterweight bout sa pagitan ng People’s Champ Manny Pacquiao at undefeated Floyd Mayweather Jr., sa Las Vegas sa Mayo 2 ngayong taon.

Ayon kay Mike Tyson, dating world heavyweight champion, ang tanging paraan para talunin ni Mayweather si Pacquiao ay gayahin ang mga estratehiya nina Juan Manuel ‘Dinamita’ Marquez at Timothy ‘Desert Storm’ Bradley.

“Kapag inisip ang dalawang mandirigma,” ani Tyson sa wikang Ingles sa kanyang YouTube channel, “mga taong nagbigay ng pinakamahirap na laban para kay Pacquiao sa kanyang career, sila ang ta-nging nakabitaw ng isang daang suntok: sina Bradley (at) Marquez.”

Ang problema, dagdag ng kontrobersiyal na boksingero, ‘economical’ si Mayweather pagdating sa pagsuntok.

“Hindi umaabot si Floyd ng isang daang suntok sa bawat round, alam n’yo ibig kong sabihin? Mas scientific fighter kaysa slugger. Masyado siyang nagpaplano, madalas siyang umuupo at nagpo-pose,” aniya.

Sa kabilang dako naman, si Pacquiao umano’y mabilis kumilos at malikot sa bawat laban niya.

“This is bad news for Mayweather,” ani Tyson.

“This guy’s all around—feinting, mo-ving… this guy’s like perpetual motion, he’s all over the (expletive) place,” wika ng dating heavyweight champion.

Bilang payo, sinabi ni Tyson na kung nais ni Mayweather na manalo, kailangang ipakita niyang siya ang nagdidikta ng laban sa simula pa lang dahil kung hindi’y may panganib na matalo siya sa bawat round laban sa mas agresibong si Pacman.

“He’s gotta come up with punches, boom, boom! Gotta keep the jab, keep the distance and move and spin with him. That guy’s like a Pacman all over the place,” kanyang pagwawakas sa kanyang YouTube channel.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …