Saturday , November 23 2024

‘Papable’ dahil galante si “Mr. Section Chief” ng Bureau of Customs

00 Kalampag percySIGURADONG mapapailing at mapapakamot ng ulo si Commissioner John Sevilla kapag natuklasan niya ang luho at klase ng pamumuhay ng  isang mababang opisyal ng Bureau of Customs (BoC).

Ilang sunod na nating itinampok sa mga nakaraan nating kolum si “Mr. Section Chief” na malimit gawing tambayan ang mga high-end coffee shop at restaurant ng isang five-star hotel sa Maynila.   

Sa naturang hotel tapat nagsisilbi ang kanyang alagang kerida at dito rin niya idinaraos ang pakikipag-meeting sa mga kliyente niyang broker at importer na dumaraan ang kargamento sa kanyang section para kausapin, imbes sa kanyang opisina sa Aduana.

Super-galante raw pala si Mr. Sex-tion, este, Section Chief na feeling dashing debonair kaya “papable” siya sa kanyang ibinabahay na kerida sa ‘di kalayuang condo mula sa nasabing hotel na pinalilingkuran.

Katunayan, bukod sa condo at bagong kotse, malaking halaga ng salapi ang itinatapon ni Mr. Section Chief para masunod ang luho ng keridang si “Ms. Balat” na mahilig mangolekta at mag-shopping ng HIGH-END hand bags at accessories, ilan diyan ang branded na Louis Vuitton, Chanel, etc.

Kaya bang kitain ni Mr. Section Chief ang lahat nang ‘yan, base lamang sa kanyang kinikita o sinusuweldo sa Customs?

Sayang naman ang no non-sense anti-corruption campaign ni Comm. Sevilla sa ilalim ng “tuwid na daan” ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino kung hindi kasamang mawawalis sa Customs ang mga tulad ni Mr. Section Chief.     

Pinupulutan sa BOC si ‘Mr. Section Chief’

KONTROBERSIYAL na isyung pinag-uusapan ng mga kawani at opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ang tungkol sa isang kasamahan nilang section chief na ginagawang tambayan at “tanggapan” ang isang five-star hotel sa Maynila.

Napag-alaman natin na hindi pala kakaunti ang bilang ng mga kapwa niya kawani sa Customs ang matagal nang asar kay Mr. Section Chief dahil sa umano’y kakaibang pag-uugali na kanyang taglay.

Ilan sa mga tumawag at nag-text ang kung ‘di man broker at importer na umano’y dumaraan ang kargamento sa kanyang hawak na section ay mga kapwa niya mismo kawani sa Customs upang ipaaalam sa inyong lingkod na kabilang sila sa masusugid na tagasubaybay ng ating kolum sa pahayagang ito.

Ang iba naman sa ating nakausap ay gabi-gabing tagapakinig ng malaganap na programa naming “Katapat” sa Radio DWBL (1242 Khz), na sabayang napapanood at napapakinggan worldwide sa internet via live streaming sawww.ustream.tv/channel/boses mula 10:30 pm to 11:30 pm, Lunes hanggang Biyernes.

Apela ng mga retired PNP kay PNoy at Roxas sa P5k na dagdag sa pension nila

“Kami ng mga kasama ko po na mga retired PNP police ay lumalapit po sa inyo para po maiparating sa ating Pangulong PNoy at Sec. Mar Roxas na ibigay nap o sana ang dagdag na P5,000 sa aming pension, para po ito sa aming pamilya na umaasa sa dagdag. Hirap na po kami sa liit na pension po naming, pati na ang differential na puro promise na lang na ibibigay na raw, 6-months, subali’t wala pa rin. Sana po, ito ay ibigay na po. Marami na rin sa amin ang mga may karamdaman at ‘yung iba po ay namatay na, pero wala pa rin nakukuha. Maawa naman po kayo sa amin. Salamat po!” <0998167….>

“Recall” vs Gob. Alvarado, si Brillantes ang abogado?

“Nagpakalat ng T-shirt dito sa Balagtas, Bulacan noong nakaraang Biyernes (February 27) na may nakalagay na ‘PIRMA KO ‘YAN’ sa harap at ‘TULOY ANG LABAN’ sa likod naman ng T-shirt. Ang grupo ni Jon-jon Mendoza, sa pangunguna ni dating Personal Admin Perlie Mendoza, na siyang nagsusulong sa Comelec na magkaroon ng recall petition laban kay Gob. Willy Alvarado. Kaugnay nito ay tila kabado naman itong si Gov. Alvarado dahil sa ang mismong abugado nitong mga Mendoza ay si dating Comelec Chairman Brillantes.” <0932602…>

Inutil ang kampanya ni Alvarado vs plastic

CONCERNED CITIZEN: “Tila yata nalusaw na ang pinaigting na kautusan/batas ni Gov. Willy Alvarado ng Kapitolyo ng Bulacan, kung saan ay ipinagbabawal ang paggamit ng mga supot na plastic dahil nga hindi ito nalulusaw, kung kaya’t dagdag kalat, at ‘di ito kayang lusawin sa mahabang panahon. Taong 2012 pa nang magpalabas ng ganitong kautusan nguni’t tila hindi naman ito sinusunod ng malalaking Mall at tindahan sa iba’t iba pang bayan ng Bulacan, at napakarami pang mga establisimiyento ang nagbibili o ‘di naman kaya ay supot na plastic ang siyang pinagsisidlan ng mga pinamili sa tindahan o sa mga tiangge. Nagsisilbing kalat at bara lamang sa ito sa mga kanal at estero, lalo na’t ‘di naman ito maayos na naitatapon sa tamang tapunan ng basura. Kaya’t marapat lang siguro na buhaying muli ang ordinansa o kautusang ito ni Gov. Alvarado. Thanks po!” <Number withheld>

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])  

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *