Saturday , November 23 2024

Charge to experience

USAPING BAYAN LogoMABILIS ang mga nagtuturo na si dating Philippine National Police Director General Alan Purisima ang may pananagutan sa pagkakabulilyaso ng operasyon ng PNP-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao pero napakabagal naman nila sa pagkondena kay Pangulong BS Aquino kahit malinaw pa sa sikat ng haring araw na ang mga kilos ni Purisima ay nasa lilim ng basbas ni Aquino. Nagmumukha tuloy komedya ang turuan ng PNP-AFP, ang mga sisihan ni Kalihim Mar Roxas, PNP-OIC Leonardo Espina, dating PNP-SAF Director Getulio Napenas at Purisima. Nakikita nila ang langgam pero di nila nakikita ang elepanteng nakatayo sa kuwarto.

* * *

Sa mga nananawagan na dapat umalis na si Pangulong BS Aquino sa poder, ang masasabi ko ay hindi na dapat pababain pa sa poder si Pangulong BS Aquino nang wala sa panahon kasi kung mawawala siya ay mawawalan tayo ng mahusay na tagapagbigay-aral sa ating katangahan sa pagpili ng mga lider ng bayan. Ang bawat araw ni BS Aquino sa poder ay panahon para matuto tayo na sa susunod ang dapat nating ihalal na pinunong bayan ay ‘yung matalino, may karanasan, may puso’t mapagkalinga; hindi ‘yung arogante, matigas ang ulo, mayabang at walang pagkalinga sa karaniwan o maliliit na tao. Isa pa malapit na rin matapos ang kanyang termino kaya tiyagain na lamang natin ang kanyang pagkakalat. Yung mga nangangarap na magkukurukuku ay kalimutan na ninyo. Bigyang-galang naman ninyo ang boto ng tao kahit bunga ito ng kakulangan ng impormasyon o di kaya’y bugso ng damdamin. Hindi ba sabi nga nila symphaty votes ang nag-luklok kay BS Aquino kasi nga namatay ang kanyang nanay na si Cory Aquino. Uulitin ko tiisin na lang natin ang pagkakalat ni BS Aquino at i-charge ito sa experience.

* * *

Dapat ipagbawal ang “time limit” sa mga naghahatid ng pizza at iba pang mga pagkain na kadalasan ay junk food kasi nagiging panganib sa mga ordinaryong pedestrian at driver ng mga sasakyan ang mga tagapaghatid nito. Sa kagustuhang maihatid nang mainit sa loob ng maikling panahon ang kanilang mga delivery ay napupuwersa ang mga tagapaghatid (na kadalasan ay naka-motor) na balewalain ang batas trapiko at etiketa sa daan. Resulta panganib sa daan.

 * * *

Kung ibig ninyo nang mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *