Wednesday , January 1 2025

Pan-Buhay: Damdamin

 

00 pan-buhay“Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa’t-isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Kristo.” Efeso4:31-32

Si Lando, isang panadero, ay nakakulong ngayon dahil sa pagpatay sa isa niyang kasamahan sa trabaho. Minura at ininsulto siya ng biktima kaya sa galit niya, napatay niya ito. Si Ben naman ay nakapatay din dahil naman sa matinding selos. Pinatay niya sa saksak ang hinihinala niyang kalaguyo ng kanyang misis.

Maayos sanang empleyado ng gobyerno si Jing ngunit nang umiral sa kanya ang inggit sa kayang mga kasamahang nangungurakot, natuto siyang magnakaw. Nahuli siya at ngayon ay wala ng trabaho, may kaso pa siya. Dati namang masayahin ang gurong si Lorna ngunit nang iwan siya ng asawa, tumigil siya ng pagtuturo at lagi na lang nagkukulong sa kanyang kwarto.

Si Lando, si Ben, si Jing at si Lorna – lahat sila ay nagpadala sa kanilang damdamin. Tao lang tayo at maaaring maranasan natin ang naranasan nila. Walang masama dito dahil natural lang ang magalit, ang magselos, ang mainggit, at ang malungkot. Ang magpapahamak sa atin ay kung gumawa tayo ng mga hakbang dahil sa mga ito. Malamang maging miserable ang ating buhay katulad ng nangyari sa kanila.

Para hindi tayo magpadala sa mga damdaming ito, tandaan ang mga sumusunod: 1) Huwag magsasalita, magdedesisyon o gagawa ng anuman habang mataas pa ang emosyon; 2) Magdasal muna o pumunta sa isang tahimik na lugar tulad ng simbahan at doon ibuhos ang nararamdaman sa Panginoon; 3) Ibaling pansamantala ang atensyon sa ibang kapakipakinabang na bagay; 4) Humingi ng payo sa mga taong sa iyong palagay ay makakatulong sa iyo.

Lagi, higpitan ang kapit at tiwala sa Diyos. Siya ang tunay na lunas, ang aayos ng lahat.

(Ang PAN-BUHAY ay isang pakikipagugnayan sa pamamagitan ng panulat tungkol sa ating buhay espirituwal at sa ating Panginoon na tinatawag din nating “Ang Tinapay (Pan) na Nagbibigay-Buhay”)

ni Divina Lumina

 

 

About hataw tabloid

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *