Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

So lalahok sa Bunratty Chess Festival

ni ARABELA PRINCESS DAWA

101414 Wesley So chess

NAGPAKITANG-GILAS si Pinoy Grandmaster Wesley So sa 77th Tata Steel Chess Championship sa Wijk aan Zee, the Netherlands nitong nakaraang buwan at pagkatapos ng ilang Linggong pahinga ay nais naman nitong lahukan ang Bunratty Chess Festival na gaganapin sa Ireland.

Makakaharap ni 21-year old So ang beteranong si GM Nigel Short ng England sa event na mag-uumpisa sa Pebrero 20 at matatapos sa 22.

Kasalukuyang No. 7 sa World Ranking si So na may elo rating na 2788 habang si Short may live rating na 2664.

Edad 19 anyos nang makuha ni Short ang Grandmaster title at makilala bilang isa sa matitikas na woodpushers, pumangatlo rin siya sa world mula 1988 hanggang 1989.

Ang ibang GMs na kalahok sa event na may six rounds swiss system ay sina Gawain Jones, Nick Pert, Peter Wells, Mark Hebden, Alex Baburin at David Norwood.

Tutulak din ng piyesa sina IMs Mark Heindenfeld, Thomas Rendle at Richard Bates.

May tig isang oras at 30 minuto ang bawat player para tapusin ang kanilang laro habang may 15 segundong increment kada isang tira.

Nakatakda rin lahukan ni So ang U.S. Championships sa March 31-April 14, Saint Louis, Missouri kung saan ay makakaharap niya ang karibal na si GM Hikaru Nakamura.

Susulong din ng piyesa si So sa Gashimov Memorial Tournament sa April 17-27, Shamkir, Azerbaijan kung saan ay kasali rito ang reigning World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway.

Ang ibang kasali ay sina GMs Anish Giri ng the Netherlands, dating world champion Viswanathan Anand ng India, Vladimir Kramnik ng Russia at world’s No. 2 Fabiano Caruana ng Italy.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …