Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barangay chairman Tony “Boboy” Arguelles at ang dibidendo ng nag-Deadheat na kabayo

00 dead heatLABING APAT na taon nang nanunungkulan si Barangay Chairman Tony “Boboy” Arguelles ng Barangay 73 Zone 10 Pasay City. Taong 2010 hanggang 2013 naman umupo ang kanyang misis.

Nang magkaroon ng eleksiyon para sa Barangay ay nanalong muli si Arguelles noong taong 2013. Sa kasalukuyan siya na muli ang Barangay Chairman sa kanyang nasasakupang lugar.

Noong una siyang nahalal, priority niya na linisin ang dinadaluyan ng tubig o mga baradong kanal para maibsan ang pagbabaha sa kanilang lugar tuwing may bagyo.

Nagkaroon din sa Barangay niya ng mga proyekto tulad Beautifications, Peace and Order, Medical Mission, Feeding Program at Financial Assistance sa tulong na galing sa kanilang butihin Mayor Calixto at Congresswoman Emi Calixto.

Sa ngayon ay malaki na ipinagbago sa lugar ng kanyang nasasakupan dahil naibsan o halos wala nang krimen na nangyayari.

Luminis at gumanda na ang kanilang Barangay sa tulong ng kanyang mga Kabarangay.

“Nakakagaang ng loob at sadyang masarap na makatulong ka sa kapwa mo na walang hinahanap na kapalit,” pangwakas ni Barangay Chairman Tony Arguelles.

oOo

Marami nagtatanong na mananaya tungkol sa nagiging DIVIDENDO sa nag-DEADHEAT sa isang race na mga kabayo kasama ang Winner Take All (WTA).

Gaya nang nangyari sa race 1 noong Lunes, Pebrero 16, 2015 sa karerahan ng Manila Metro Turf kung saan ay DEADHEAT ang kabayong No.4 Pasaporte at No.2 Spectacular Ridge.

Dapat daw dalawa ang magiging DIVIDENDO ng WTA dahil magkaiba ang SALES sa takilya ng dalawang kabayo sabay nanalo o dumating sa finish line.

Bakit sa dividendo ng forecast, trifecta, quartet, at pentafecta magkaiba ang ibinigay sa NAG-DEADHEAT na kabayo.

Bakit sa nanalong ticket ng Winner Take All (WTA) na kasali sa tumama sa resultang DEADHEAT ay isa lang ang ibinigay ng DIVIDENDO. Dapat daw ay DALAWA.

PALIWANAG GALING SA INYO ANG KAILANGAN NG BAYANG KARERISTA DITO!

oOo

Nakadaong-palad natin ang matagal ko ng kaibigan hinete na si Jockey Leopoldo Andes sa isang OTB sa Maynila.

Taong 1972 nang magsimula sa paghihinete si Jockey Leopoldo at naretiro siya taong 2000.

Ang pinakahuling kabayong kanyang pinanalo ang kabayong GISING-GISING at siya ang nag-aalaga dito.

Nang huminto siya sa paghihinete ay sinubukan niya na magtinda ng “school supplies” sa ibabaw ng lamesa sa may bangketa sa tapat ng kanilang tirahan.

Ngayon ay may meron nang sariling tindahan ng “school supplies” si jockey Leopoldo dahil sa pagtitiyaga niya at sa tulong ang kanyang maybahay. Makikita ito sa Barangay Carmona, Makati City.

“Pagmay TIYAGA may mararating kang magandang kinabukasan para sa pamilya mo,” pahayag ni Jockey Leopoldo Andes.

oOo

TAP-GLAM PRINT advertising na makikita a Villa Roman Bldg., Pedro Gil St., corner Benitez st., Manila. Gumagawa sila ng Tarpaulin Printing, Offset Printing, Digital Layout, Signage Panaflex Product Photoshoot at Corporate Souvenir.

TERDJI ARTWORK & PRINTSHOP pinamamahalaan ni Mr. Geolan Brinas. Matatawagan ang kanyang opisina sa #(02)7080260 Land Line at sa Mobile: 0917885297; 09189654533 at 09224764006.

 

ni FREDDIE M. MAÑALAC

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …