Sunday , November 17 2024

HR Chair Madam Etta Rosales kakaiba ka talaga!

etta rosalesNOONG araw, taon 1984, tuwang-tuwa ako kapag nakikinig ako sa radyo, sa programang “Titser ng Bayan” na ang mga pangunahing anchor ay sina Ms. Loreta “Etta” Rosales at Fidel Fababier. Kapwa sila magagaling na lider ng mga guro.  Kung hindi tayo nagkakamali, kabilang sila sa mga nagtatag ng Alliance of Concerned Teachers o ACT noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, binansagang DIKTADOR ng mga militanteng aktibista.

Hindi natin alam kung nasaan na si Mr. Fidel Fababier, pero si Madam Etta ay chairperson na ngayon ng Commission on Human Rights (CHR).

Bilib din tayo kay Madam Etta kapag nagsasalita siya at mabilis na nagpapahayag ng kanyang reaksiyon sa mga kalupitang dinaranas ng mga kababayan nating militante sa kamay ng sabi nga nila ay ‘berdugong pulis at sundalo’ o opisyal ng gobyerno.

Gaya nitong nakaraan nang ‘kalabitin’ ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista ‘yung holdaper/rapist na bumiktima ng maraming establisimento, nang-rape ng customers at  pumatay ng Koreana.

Tumalak agad si Madam Etta. Okey lang sana ‘yan kung consistent sa pagiging ‘watchdog’ against guman rights violation, ‘e paano kung hindi?

Pansin na pansin na kapag pulis ang nang-agrabyado, mabilis pa sa alas-kuwatrong magtatatalak si Madam Etta at talagang parang nagsasalita pa rin sa Mendiola kapag tumalak sa mga taga-media.

Pero kapag mga sundalo at pulis ang biktima ng pamamaslang, ang tagal bago magsalita ni Madam.

Gaya ng nangyari sa Fallen 44.

Tumatakbo na sa pangalawang linggo bago pa umepal este nagsalita si Madam Etta.

Mukhang may hangover pa ng pagiging militante si Madam Etchas este Etta!?

Wala naman pong masama roon sa pagiging militante, pero dapat laging naaalala ni Madam Etta na siya ay isa nang kagalang-galang na Commissioner ng Human Rights — at lahat ng Filipino — ultimo berdugo— ay may human rights.

‘Yun  lang po Madam. Paalala lang po sa mga taong nakalilimot.

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *