Thursday , January 2 2025

‘Peace at all cost’

USAPING BAYAN LogoLAHAT tayo ay naghahangad ng kapayapaan sa ating bayan subalit hindi ng katahimikang walang katarungan. Hindi tama ‘yung “peace at all cost” kung ang halaga nito ay katumbas ng buhay ng 44 na PNP-SAF na walang awang pinagpapatay. Mali ang kapayapaang hindi nakabatay sa katarungan.

Mayroong ilan kasi na nagsusulong ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na walang inatupag kundi trabahuhin ang pagpasa nito sa kongreso kesehodang nagbuwis ng buhay ang mga pulis natin nang dahil sa mismong grupo, Moro Islamic Liberation Front, na makikinabang sa batas na ito. Ang kredibilidad at katapatan ng grupong ito ay kuwestiyonable kaya dapat na mas lalong suriin at hindi madaliin ang pagpasa ng BBL.

Hindi dapat timeline ang maging batayan ng pagpasa ng batas na ito kundi kawastuhan. Dapat linawin ang maraming aspeto nito lalo na ngayon na lumilitaw na mukhang labag ito sa ating konstitusyon.

Ang kabayanihan ng 44 PNP-SAF sa Mamasapano, Maguindanao ay mas magiging ma-kabuluhan kung ito ay magreresulta ng mas mahusay na batas na magbibigay awtonomiya sa ating mga kapatid sa Muslim Mindanao.

* * *

Ang frame of mind na “peace at all cost” ang dahilan kaya pumayag ang mga negosyador ng pamahalaan na kilalanin na may teritoryo ang MILF na dapat igalang ng ating pamahalaan. Ang pagbibigay ng de facto na teritoryo sa MILF ang ginagamit na dahilan kaya napatay ang ating mga pulis sa Mamasapano.

Wala raw koordinasyon sa MILF ang PNP kaya nangyari ang madugong insidente. 

Pero kailan pa nangyari sa kasaysayan ng mundo na ang isang soberenyang bansa tulad natin ay dapat humingi ng pahintulot sa sariling mamamayan nito para dumaan sa “kanilang teritoryo” umano? Kailan pa nagkaroon ng sariling bansa ang MILF na hiwalay sa ating republika? Kaya mali ang “peace at all cost.”

* * * .

Kudos to Anthony Castelo, Lloyd Umali, Ima Castro, Cita Astal at Imelda Papin dahil sa kanilang napakagandang regalo sa mga balo ng SAF-44, ang elite at bayaning unit ng Philippine National Police  na  winaldas ng  Moro Islamic Liberation Front, ngayong Valentines Day. 

Ang regalong ito, isang mini-album na may tatlong magaganda at bagong kanta, ay alay ng mga nasabing mang-aawit sa mga naiwan ng ating mga bayani.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, dekalidad at matibay na Barong Tagalog, magsadya kayo sa Casedo’s Gown and Barong Embroidery sa Vanesa Homes, Maytalang 1, Lumban, Laguna. Hanapin ninyo ang mag-asawang Rey at Analie Casedo. Maari rin kayong tumawag sa 09228705893 / 09165753448 / 09273008338 / 09287005132 / 09228705894 / 09399385189

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *