Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: Ang Hired Killer (Unang labas)

00 kuwentoAlam ni Brendo na isang araw ay bigla na lang siyang bubulagta sa tama ng punglo sa ulo. At alam din niyang isang hired killer ang kikitil sa kanyang hininga. Parang siya rin noon na pumapatay nang dahil sa pangangailangan sa pera. Ang mga katulad niya ay walang budhi, walang sinisino, at walang pinapatawad.

Matagal nang nagbagong-buhay si Brendo nang magkaroon na sila ng anak ng kanyang asawa. Pinagsisihan niya ang mga nagawang kasalanan at namuhay nang simple at payak. Pumarehas siya ng laban sa paghahanapbuhay. Itinaguyod niya ang sariling pamilya sa pamamasada ng taksi. At naging maligaya siya sa piling ng mga mahal sa buhay.

Pero bigla na lang dumating sa kanilang mag-asawa ang isang malaking pagsubok. Nagkasakit nang malubha ang kaisa-isa nilang anak na babae na maglilimang taong gulang. Dinapuan ito ng kanser sa dugo. Sa paglipas ng mga araw ay lalo pang lumubha ang kalagayan nito. Tuluyang namayat at nagmistulang lantang gulay ang katawan ng kanilang anak.

Isang espesyalistang doktor ang kaila-ngan upang mabigyan ng tsansang madugtungan ang hininga ng kanilang anak. Ang mga dalubhasang manggagamot ay nasa mahuhusay na klase ng ospital. At makukuha lamang nila ang serbisyo nito kung mayroon silang salaping panustos sa mga gastusin. Pero kabilang nga sila sa mga pamil-yang dukha na “isang-kahig, isang tuka.”

Natuliro ang utak ni Brendo kung saan siya kukuha ng pera. Noon niya natanggap ang isang tawag sa cellphone. Pamilyar sa kanya ang tinig sa kabilang dulo ng linya ng telepono. At ang diga nito: “May gusto akong ipatrabaho sa iyo. Kung okey ka, makipagkita ka sa akin.”

(Itutuloy)

 

ni REY ATALIA

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …