Kato at Usman dapat isuko ng MILF para sa BBL
hataw tabloid
February 12, 2015
Opinion
PULOS kasinungalingan ang lumabas sa bibig ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang sa pagdinig kamakalawa ng Senado. Pinalabas niya na may malaking sablay ang PNP-SAF kaya nalagasan ng 44 miyembro sa Mamasapano incident. Waring nalimutan niya ang mga lumabas sa mismong bibig niya sa mga pahayag sa radyo at telebisyon mula noong Enero 26 na may ceasefire at nilulutong peace agreement kaya hindi sumaklolo ang Western Mindanao Command sa SAF troopers.
Ang totoo, wala nang tiwala sa isa’t isa ang AFP at PNP pagdating sa paghahanap sa mga teroristang sina Zulkifli bin Hir, alyas Marwan, at ang kasamahang si Basit Usman na wanted hindi lamang ng Estados Unidos kundi maging sa ibang bansa tulad ng Indonesia at Malaysia. Sumablay ang marami nang COPLAN at OPLAN ng PNP sa paniniwalang may nagtitimbre sa BIFF kaya mabilis nakatatakas ang magkasabwat sa pagtuturo ng paggawa ng bomba sa mga rebeldeng Muslim na puwedeng MNLF, ang anak nitong MILF, ang anak nitong BIFF, at parang kabuteng mga nagnanaknak na anak ng grupong Muslim.
Magmistula mang Hudas, hindi makapagkakaila si Catapang sa kanyang mga pahayag. Hindi ba siya nahihiya sa paratang na may nagtatraydor sa kanyang hanay kaya napilitan ang PNP-SAF na kumilos nang palihim laban kina Marwan at Usman?
Isa sa mga orihinal na nag-operate laban kina Manwar at Usman, si ex-Sgt. Steve Bravo na dating ISAFP at PSG member, ang umamin na may ‘patong’ ang mga sundalo maging sa kapatid ni Mamamapasano Mayor Benzar Ampatuan. Para sa kanya nga, lumakas ang BIFF dahil sa ayuda ng mga Ampatuan sa pangunguna ng nakatatandang kapatid ni Benzar na si Banahrin Ampatuan, alyas Kumander Bigtime.
Sa text message ni Bravo: “Mayor Benzar has connection with the Army assigned in his AOR, that is why his elder brother Banahrin aka Commander Bigtime of BIFF is roaming around without being arrested by the authorities and can go to Davao City with Army escorts.”
Ibinunyag din ni Bravo na maraming suspek sa Maguindanao Massacre ang nasa hanay ng BIFF at MILF kaya hindi nadarakip ng mga awtoridad. Para sa kanya, hindi lalakas ang BIFF kundi sa pondo at armas na ipinagkaloob ni Kumander Bigtime sa BIFF na itinatag ni dating MILF commander Ameril Umbra Kato.
Sa huling mensahe ni Bravo, iginiit niyang dapat magtulungan ang AFP at PNP at palakasin pa ang konsepto sa seguridad ni DILG Secretary Mar Roxas sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa nitong Enero sa nakatakdang pagbisita ng 20 lider ng mga bansang dadalo sa APEC Summit sa Nobyembre.
Payo niya: “My small opinion is government intelligence units must monitor Balik Muslim converts, who are not well known by their Muslim names. Believe that maybe they are moles (sleeper assets) that can be activated when the need arises like the APEC Summit. They can freely mingle with crowds if not monitored.”
Dagdag ni Bravo: “I strongly suggest, the government forces should at this point in time where everyone is talking about this Mamapasano incident to intensify our intelligence efforts in Metro Manila because in the event the BBL failed, then terrorism might be brought to Metro Manila by MILF. The authorities should now map up a pursuit operations against MILF and BIFF sleeper assets in Metro Manila,”
Malinaw ang mga mensahe ni Sgt. Bravo na huwag naman sanang mangyari kaya nasa pamunuan ngayon ng MILF ang mga “alas” upang patunayan na hindi sila teroristang grupo. Kung totoo ang sinabi nila na patay na si Marwan, bakit hindi nila ituro sa mga awtoridad kung saan inilibing ng BIFF ang labi nito. At bakit hindi nila arestuhin sina Kato at Usman at saka isuko sa pamahalaan ng Pilipinas kung talagang gusto nila ng tunay na kapayapaan?