PINUGAYAN NG SINDIKATO NI GENERAL ANG SAKRIPISYONG BUHAY NI SGT. RUIZ
Nagsumiksik din sa utak niya ang asawa’t anak na naghihintay sa kanyang pag-uwi. Pero hindi niya tinawagan si Ne-rissa. Ayaw niyang mag-alala ito nang labis para sa kanya. Isa pa, naghihinala siyang naka-bug na ang kanyang cellphone. Alam niyang kayang-kayang gawin iyon ng pangkat ni General Policarpio na tiyak na humahanting sa kanya.
Bukod sa mga lamok na aali-aligid at walang tigil sa pangangagat, sa diwa niya ay naroroon pa ang iba’t ibang alalahaning gu-magambala sa kanya. Nabantayan niya ang buong magdamag hanggang mag-umaga. Nang magmulat siya ng mga matang ma-mula-mula sa puyat ay buhay na buhay na ang paligid. Nagpapainit na ng makina ng bus ang mga driver na nakasalang sa unang biyahe. Masigla na ang mga vendor sa paglalako ng mga paninda: sandwich, softdrinks, iba’t ibang kakanin at kukutin, kendi, sigarilyo at iba pa.
Mula sa upuang pahingahan ng mga pasahero ay naglakad-lakad si Sgt. Tom. Naghulog siya ng limang pisong coin sa vendo machine. Pinindot niya ang buton na may nakasulat na “coffee.” Awtomatikong lu-mabas sa kaha niyon ang styropor cup na awtomatiko ring sinalinan ng mainit na kape. Patayo niyang hinigop-higop ang kape sa tabi ng vendo machine. Pamaya-maya ay naagaw ang kanyang pansin ng binatilyong sumigaw nang malakas ng “Boss, diyaryo!”
Bumili siya ng isang tabloid sa binatilyo. Nang matunghayan niya ang frontpage ay naligwak sa kanyang kamay ang kape sa styropor. Nakasulat sa malalaking titik ang ulo ng balita niyon: “Tulak-Cop, Patay Sa Shootout.” Na tinutukoy na “tulak-cop” ang buddy niyang pulis na si Sgt. Ruiz. Sa kaugnay na report ay nabanggit din ang pangalan niya bilang kasamahan nito sa pagbebenta ng ile-gal na droga. Tinatayang limang kilo umano ng shabu ang na-recover ng pangkat ni Ge-neral Policarpio sa ginamit na sasakyan ng mga suspek, kung saan daw napatay ang kaibigan niyang pulis ng nakasagupa nilang mga awtoridad. Sa naturang balita ay sina-sabing pinaghahanap sa kasalukuyan ng mga maykapangyarihan ang isang alyas “Tom Cat” na nakatakas sa pinangyarihan ng shootout… (Itutuloy)
ni Rey Atalia