Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meralco itutuloy ang winning streak

ni SABRINA PASCUA

021015 meralco bolts

HANGAD ng Meralco na palawigin pang lalo ang winning streak nito sa paghaharap nila ng Rain Or Shine sa PBA Commissioner’s Cup mamayang 4:15 pm sa Smart Araneta coliseum sa Quezon City.

Ikalawang sunod na panalo naman ang nais na maitala ng Alaska Milk kontra sa sumasadsad na Globalport sa 7 pm main game.

Ang Bolts, na pinamumunuan nina Josh Davis at Gary David, ay nagtala ng tatlong sunod na panalo laban sa Barangay Ginebra (85-74), Kia Carnival (90-80) at Talk N Text (91-83). Kasalukuyan silang nasa itaas ng standings kasama ng defending champion Purefoods Star.

Pero hindi basta-bastang kalaban ang Rain Or Shine. Ang Elasto Painters ay naungusan ng Talk N Text, 87-86sa kanilang unang laro subalit nakabawi sa pamamagitan ng dikit na mga panalo kontra sa NLEX (96-91) at Globalport ( 104-98).

“It’s good to win close games. They build character. But sometimes who have to win handily. That’s because if you put yourself in a position where you can lose, then you will lose,” ani RoS coach Joseller “Yeng” Guiao.

Sa tatlong laro, ang 6-6 1/2 na si Davis ay nag-average ng 16.67 puntos at 20 rebounds. Si David, isang two-time scoring champion ng liga, ay may 21 puntos kada laro.

Katuwang nina Davis at David sina Cliff Hodge, John Wilson, Reynell Hugnatan at Mike Cortez.

Ang Elasto Painters ay sumasandig sa import na si Rick Jackson na sinusuportahan nina Paul Lee, Jeff Chan, Gabe Norwood, Ryan Arana at Beau Belga.

Ang Alaska Milk ay tinambakan ng defending champion Purefoods Star, 108-88 sa kanilang unang laro. Pumasok sila sa win column noong Sabado nang maungusan ang NLEX, 96-95.

Patuloy na hindi nakapaglalaro para sa Aces sina lead point guard JVee Casio at sentrong si Joaquim Thoss.

Sa import match-up ay magtutunggali sina DJ Covington ng Aces at CJ Leslie ng Batang Pier.

Nagwagi ang Globalport kontra KIA Carnival, 100-89 sa una nilang laro. Pero matapos iyon ay natalo ang Batang Pier sa Purefoods Star (83-70) at Rain Or Shine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …