Saturday , November 23 2024

Anong klase ng hustisya meron ang Pilipinas

INFO EKSAKTO LOGOHALOS lahat ng usaping legal ngayon at mga kasong pinag uusapan, ay sangkot ang mga malalaking personalidad mula sa mga pulitiko, showbiz, scam, plunder, at ang nagbabagang pinag uusapan ngayon ay ang walang awang pag patay sa 44 na tauhan ng PNP Special Action Force (SAF).

Sagad na ang galit ng mga mamayang Pilipino hindi dahil sa tuwa at may mga pangalan na lumutang, kinasuhan at nakulong ngunit hanggang ngayon ay hindi malaman kung ano na ang lagay ng mga kasong isinampa sa mga nagka sala.

Malapit na ang 2016, tyak na magiging abala na ang lahat nyan, pero ang Maguindanao Massacre, Napoles at iba pang high profile na mga kaso ano na nangyari?

Itong isyung tungkol sa “Fallen 44” huwag naman sanang mauwi sa walang makakasuhan dahil kapag hindi maganda ang naging resulta o patas ang labanan sa gagawing imbestigasyon tyak na magiging malakas pa sa pag sabog ng bulkang Mayon ang lakas ng dagundong nito.

SA PANIG NG MGA OFW

Ang mas masakit ay ang kasong pang molestya ng mga opisyales ng ibat ibang embahada sa ating mga kababaihang OFWs na sa katapos tapusan ay wala ng balita kung sino ang nakasuhan at naparusahan.

Ilang pangulo na natin ang nagdaan at sila na mismo ang nagsasabi na ang ating mga OFWs ay ang mga “Bagong Bayani” ngunit sa puso at damdamin nila puro lang yon papuri o hanggang press release lang.  

Isang pagdududa tuloy ang namumuo sa isipan ng ating mga OFWs na ang ating gobyerno ay gobyerno para sa mga maimpluwensya dahil kahit anumang inquiry ng kongreso o senado ang gawin para mapanagot ang mga may sala, wala ring nagyayari.

Mabagal na hustisya sa ilang lalawigan umiiral

May iilang hukom sa ilang lalawigan bandang Norte na halos murahin na ng mga akusado dahil sa hindi makatarungan nitong pag kaloob sa mga kahilingan (motion for reconsideration) tungkol sa mga kasong kanilang kina sasangkutan.

Ilan sa kanila ay mga akusado sa kasong drugs na kung sisilipin ay masalimuot ang ginawang pag aresto sa kanila o sa ginawang buy bust operation. Ang kanilang mga arresting officer ay hindi makapag bigay ng solidong testimonya ng sila ay isalang sa cross examination ng tagapagtanggol ng kanilang inaresto.

Dahil dito nag hain ng kahilingan ang abogado ng nasasakdal na bagamat inconsistent o may pagdu duda ang  pahayag ng mga pulis na umaresto ay nais sana ng mga akusado na makapag pyansya para sa kanilang pansamantalang kalayaan habang patuloy na dini dinig ang kanilang kaso.

Ang labis nilang ipinagtataka ay kung bakit hindi ipinapagkaloob ang kanilang karapatan sa loob ng tatlong taon nilang pamamalagi sa panlalawigang piitan samantalang iyong mga bagong pasok na may record ng pagtutulak ng droga at malaking ebidensya ang nakuha sa kanila ay nakakapag lagak ng kanilang pyansa.

Ang ganitong mga pangyayari lalo na sa pamamalakad ng ating hustisya ay isang pangit na batik sa ating lipunan na kung hindi mabigyan ng agarang solusyon maaring lumala ang ispiritwal na himagsikan dahil sa hustisyang hindi patas ang laban.

Note:

Ang Info Eksakto, ay bukas upang pag usapan ang mga isyu. Maari lamang na tunawag o mag iwan ng inyong message sa CP # 09293105073 at 09179293186

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *