Saturday , November 23 2024

AFP chief, inaming walang tactical coordination sa ground ang PNP-SAF


CRIME BUSTER LOGOHALOS mapaluha si AFP chief of staff general Gregorio Catapang nang humarap siya sa live TV interview sa programang Headstart ni Karen Davila sa ANC-ABS-CBN Channel 27 kahapon ng umaga.

Sa interview, na pinanood ko kahapon ng umaga, maraming katanungan ang hindi nasagot ni general Catapang lalo na sa side ng Philippine National Police.

Ipinaliwanag ng 4-star AFP general na wala umanong tactical coordination na natanggap ang kanyang mga sub-commander sa Maguindanao bago isagawa ng assault-striking force ng PNP-SAF ang pagsalakay sa pinaniniwalaang kuta ng dalawang teroristang sina Marwan at Usman sa bayan ng Mamasapano noong buwan ng Enero.

Ipinaliwanag niyang, bago isagawa ang assault sa balwarte ng mga MILF, MNLF, BIFF at PAG, naipaalam na umano sa kanya ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang planong operasyon simula pa noong Nobyembre 18, 2014. Pero ang bilin sa kanya ng pangulo ay makipag-coordinate sa PNP.

Bago pa rin isagawa ang ground operations ng PNP-SAF sa Mamasapano sa Maguindanao, nakipag-meeting pa umano siya sa commanding officer ng SAF kay director Getulio Napenas at kay general Pangilinan sa Zamboanga. Binigyan-diin ni general Catapang na simula nang makausap niya si general Napenas at hanggang ilunsad ang police operations sa Mamasapano ay wala umanong naganap na intelligence sharing sa pagitan ng kanyang mga sub-AFP commanding officers na nasa area ng Mamasapano. Wala rin umano silang alam sa plano ng tactical operations ng PNP-SAF nang salakayin ng tropa ng PNP ang hideout nina Marwan at Usman noong madaling araw ng Enero 2015.

Binigyan liwanag pa ng heneral na bilang sundalo at tagapagtanggol ng bansa, wala umanong na-violate ang pangulo sa chain of command.

Naku po!!! Kung ganoon ang tunay na nangyari, baka nagkaroon ng tinatawag na sacrificial scenario sa pagitan ng elite forces ng PNP-SAF???

Kung matutuloy nga naman ang pirmahan sa Bangsa Moro Isamic Law (BBL), baka mawalan ng negosyo ang ilang sundalo at PNP sa rehiyon na hawak ng mga kapatid natin na nasa Maguindanao. Hindi pa natin alam kung ano ang kanilang mga negosyo.

Matatandaan na 44 miyembro ng PNP-SAF striking force na kinabibilangan ng Police Non-Commissioned Officers (PNCOs) at ilang PNP ground troops commander ang nasawi nang pumasok sila sa teritoryo ng MILF,MNLF at BIFF sa Mamasapano, Maguindanao.

Karamihan sa mga PNCO ay may ranggong Police Officer 1 at Police Officer 2. Ang ilan sa kanila ay taga-Cagayan, Benguet at Pangasinan province.

Naku po!!! Kung ipinadala sila sa isang combatant areas na hindi naman pamilyar sa kanila ang pupuntahang lugar at ang lenguwaheng kanilang naririnig, papaano sila makaliligtas sa kamatayan?

Crackdown on Most Wanted Persons

MUNTINLUPA’s most wanted persons fall in the hands of police operatives on a separate arrest conducted last January 29.

According to Muntinlupa City chief of police, Senior Supt. Allan Cruz Nobleza, operatives of Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) arrested by virtue of Warrant of Arrest for Violation of Robbery in Band, 48 year-old Benito Mapili at Esporlas Compound in Barangay Putatan.

Nine pieces of small heat transparent plastic sachets containing white crystalline substance suspected to be “shabu” were confiscated from the arrested suspect.

Nobleza said operatives of Muntinlupa police also nabbed 30 year-old Joseph Aguilar, tagged as alleged 7th most wanted in Muntinlupa. He was arrested by operatives of Warrant and Subpoena Section of MCPS for the case of robbery and physical injuries.

Muntinlupa City Police Station also announced the captured of another wanted person involved in illegal drugs. MCPS report says elements of SAID-SOTG conducted a buy-bust operation that led to the arrest of Dennis Hugo last February 2.

Anti-Illegal Drugs personnel nabbed Hugo on the act of selling one sachet containing substance suspected to be “shabu” to a policeman who acted as poseur buyer at PNR Site in Joaquin Compound in Barangay Alabang.

However, the arrested suspects denied their involvement in illegal activities in Muntinlupa.

Mayor Jaime Fresnedi lauded Muntinlupa police led by Sr/Supt. Nobleza in his commitment to criminal clampdown in the town of Muntinlupa. 

It can be recalled that Fresnedi’s administration thrust to keep peace and order creating a safe and livable environment for Muntinlupeños since he assumed mayor in the city in July 2013.

Sumama na kay Boyet ang Brgy. Opisyal sa Pasay

ANG talk of the town sa Pasay City marami na raw sa mga barangay opisyal sa nasabing lungsod ang sumama na kay Ginoong Boyet del Rosario.

Si Lito Ocampo at Johnny Santiago ay kaalyado na ni Boyet.

Kung ganyan ang political strategy na natatanaw sa siyudad ng Pasay, meaning may sariling tao at nakabubuo na ng local political team si Mang Boyet kahit na siya ay bagito sa politika. Baka dumating ang panahon na maungusan na ni Mang Boyet ang incumbent vice mayor sa Pasay na si Marlon Pesebre na hindi pa malaman at nangangapa pa kung kaninong political team siya sasakay.

Naku po!!! Malaking kabawasan rin sa boto ang nawalang staff ni???

Kung iyan ang talk of the town sa Pasay, ang mga kuripot at ang mga magtitipid ang magiging kulelat sa May 2016 local elections. He he he… wais yata ang mga barangay opisyal sa Pasay.

Padaplis pa!!!

HINDI pa rin binubuwag ng local PNP ang crooked gambling na color games na itinayo nina Kap. Tessie, June at Aling Baby sa poblacion ng Talisay, Batangas.

Sa Balayan, Batangas, nagkalat rin ang operasyon ng loteng bookies, video karera machines at tupada. Alam na alam iyan ng mga taga-Barangay Sampaga sa Balayan.

Ang Talisay at Balayan Batangas ay nasa area of jurisdiction ng Batangas-PNP command.

Sa lalawigan ng Pampanga, nagkalat na naman ang operasyon ng pergalan, saklaan at VK machines sa teritoryo ng PNP-region 3. Kahit ipagtanong pa kina Normang Topak at Boy Lim.

Sa 1st district ng San Jose del Monte City, Bulacan, grupo ni Somera ang sinasabing may palatag ng mga salot na unit ng Video Karera machines sa nasabing bayan. Hindi raw ito kayang pakialaman ng local PNP. Totoo kaya iyan RD, Chief Supt. Ronald Santos??? 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *