Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: Agimat ng DOM

00 kuwentoDalawang beses nang nai-date ni Jeff si Jeanny, ang dati niyang kaklase sa high school na naging muse ng kanilang barangay. Sa una nilang date kumain lang sila sa labas at namasyal nang konti. Sa pangalawang pagkakataon ay naisama niya sa panonood ng sine. Noon niya napapayag ang dalaga na mahagkan sa mga labi. At hindi naman masyadong nagpakiyeme-kiyeme nang maging malikot ang mga pilyo ni-yang daliri.

Tinawagan niya si Jeanny nang gabing iyon. Humirit siya ng isa pang date. Puma-yag naman ang dalaga. Pero siyempre’y ina-lam nito kung saan sila pupunta. Ipinahiwatig niya na isasama niya ito sa isang pri-badong lugar kung saan sila magkakasarilinan nang walang makaiistorbo sa kanilang dalawa.

“A-ano’ng gagawin natin doon?” tanong ng dalaga sa kainosentehan.

“Alangan namang mag-jack en Poy lang tayo du’n?” ang maagap niyang tugon.

“B-baka… Baka kung ano ang iniisip mong gawin sa akin du’n, ha?” sabi ng syota niya.

“’Wag kang mag-alala, Love… Napaka-gentleman nitong BF mo,” aniya sa masiglang tinig.

Lunes ng gabi nang makausap ni Jeff si Jeanny. Sabado ng hapon ang pagkikita nilang dalawa. Limang araw pa ang hihinta-yin niya para malasap ang inaasam-asam na ligaya sa piling ng dalaga. Matagal-tagal pa iyon. Sabik na sabik na siyang maka-date ulit ang kanyang syota. Nasa imahinasyon na kasi niya ang angkin nitong ganda at kaseksihan. “Humanda ka, Jeanny… Buntong-hininga lang ang pahinga mo sa akin,” ngiti niya sa pagmamagaling sa sarili.

Ala-sais ng hapon ang oras ng date nila ni Jeanny pero ala-singko pa lang ng hapon ay naroon na siya sa isang fastfood na kanilang pagtatagpuan.

Umorder siya ng burger at softdrinks sa food counter. Inilabas niya sa bulsa ang “anting-anting” na karaniwang ginagamit ng mga DOM (dirty old man) na sinasabing pampasigla sa kama. Uminom siya ng isang kapsula niyon. Magkakaroon daw iyon ng bisa pagkaraan ng isang oras, tiyempo sa pagsipot ng kanyang syota.

Biglang tumunog ang cellphone ni Jeff. Si Jeanny ang tumatawag sa kanya. Dali-dali niyang sinagot ito. At ang sabi nito: “Tumaas ang blood pressure ng mommy ko kaya isinugod ko siya sa ospital… Sorry talaga, Jeff… Next time na lang, ha?”

Patindi na noon ang epekto sa kanya ng agimat ng mga DOM…

Patay kang Jeff ka!

 

ni Rey Atalia

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …