Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di sana maglahong parang bula…

00 aksyon almarMAKAKAMIT kaya ang katarungan para sa  tinaguriang “Fallen SAF 44” na minasaker kamakailan sa Mamasapano, Maguindanao? Mayroon kayang maipakukulong na responsable sa insidente? Kaya kayang ipakulong ni PNoy ang mapatutunayang salarin kung taga-MILF o BIFF?

Isang malaking hamon ito kay PNoy para malaman kung hanggang saan ang kanyang kakayahan hinggil sa masakit na sinapit ng SAF 44. Hanggang ngayon, nananatiling tahimik ang pangulo ng bansa natin, wala pa rin siyang idinedeklarang all-out war laban sa mga responsable hinggil sa pagmasaker sa fallen heroes natin. Bakit kaya?

Sabi ni PNoy, huwag daw muna padalos-dalos lalo na’t may kasalukuyang nagaganap na peace talk bukod sa kanya pang pinaplano ang tama dahil sa higit niyang prayoridad ay kapayapaan.

May punto naman si PNoy ngunit, kung sakali magkaroon ng kasunduan ang MILF at gobyerno, isusuko naman kaya ng MILF ang mga sangkot nilang kasamahan para makasuhan at makulong? Labo yata iyon mamang PNoy.

E sa panig ng BIFF, mapasusuko kaya ng MILF ang mga kaanak nilang sangkot sa masaker? Labo din yata.

So, ano ang dapat na gawin?

‘Ika nga ay huwag tayong mawalan ng pag-asa lalo na kung ang lahat ay ipasasa-Diyos. Totoo naman po. Walang imposible sa Panginoon.

Ngunit mga sinasabing sangkot na MILF lang ba ang dapat na managot sa insidente, hindi ba dapat managot din ang matataas na opisyal ng gobyerno – sa military at PNP? Marami kasi silang dapat sagutin na katanungan sa mga nangyari lalo na ang ginawang pag-atake ng mga SAF sa lugar.

Katanungang malabong masagot sa kung sino talaga ang nag-utos o nagbigay ng go signal sa mga SAF? Bakit hindi agad nakapagpadala ng reinforcement ang PNP at AFP sa lugar sa kabila ng pagmamakaawa sa radio ang mga SAF?

Hay, kawawang mga SAF nagamit sila para sa makasariling interes ng iilan sa gobyerno.

Sina DILG Sec. Mar Roxas at PNP Acting Chief, Gen. Espina, talagang wala raw silang alam sa plano kaya nangyari ang lahat. E sino nga ba ang mananagot?

Ano pa man, sana sa gagawing imbestigasyon ng Senado sa Miyerkoles (bukas) hinggil sa insidente ay palinawan ang lahat at hindi mahaluan ng kasinungalingan para managot na ang dapat na managot. At ang mga opisyal ng gobyerno na mapatutunayang responsable rito ay managot at pagbabarilin sa Luneta este, huwag pala sa Luneta dahil para lang sa mga dakila iyan. Kaya ang dapat sa mapatutunayan ay dalhin din sa Mamapasano para makipagbarilan sa mga rebelde.

Anyway, sa imbestigasyon sa Senado – I hope hindi ito maging grandstanding ha. Ipatatawag daw sina Roxas, Espina, Catapang at ilan pa para magbigay-linaw sa insidente. Ha! E hindi nga nila alam ang nangyari, magbibigay-linaw pa sila. Labo yata noon. Ang dapat ang itinuturong si suspended PNP chief, Gen. Purisima at PNoy ang ipatawag sa Senado.

E sa panig ng MILF, wala bang ipatatawag ang Senado sa kanila para maging patas ang imbestigasyon. Tutal rin lang naman ay may ongoing na peace talk, Marahil siguro ay sisipot naman ang ipatatawag na representante.

Panalangin na lang natin na sana ay may mangyari sa gagawing ano mang hakbangin para sa Fallen 44. Sana ay may makasuhan at sana hindi ito maglaho na parang bula o mananatiling charge to experience ang lahat. Pero sabi ng marami, habang si PNoy ang nakaupo, walang mangyayari. Hindi naman siguro. Magtiwala naman tayo kay PNoy na magaling… magaling saan? Magpaikot este, kukunin ang lahat sa mapayapang usapan o hakbangin. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …