Wednesday , January 1 2025

Tsinutsubibo ba ni Pnoy ang publiko?

pnoyHANGAL at uto-uto ba ang tingin ni Pangulong Benigno Aquino III sa sambayanan?

Sa kanyang ‘speech’ apat na araw matapos ang Maguindanao Massacre II, binigyang katuwiran ni PNoy na magsasalita siya kahit hindi natatapos ang imbestigasyon ng board of inquiry hindi para pangunahan ito kundi para ipaalam sa publiko kung ano ang kanyang nalalaman.

Ang haba  ng speech ni PNoy, pero wala tayong masalamin na katapatan. Lalong hindi natin naramdaman ‘yung sinabi niyang, “…kundi dahil karapatan ninyong malaman ang alam natin sa puntong ito.”

To make the long ‘speech’ short parang ganito lang ‘yun… “alam ko ‘yang operasyon na ‘yan pero hindi ako ang may kasalanan kung bakit napatay ‘yung mga SAF. ‘Yung hepe nila ang may kasalanan — si Napanes.”

Tsk tsk tsk…

Sino kaya ang ponente ng speech ni PNoy?! Si Secretary Sonny Kolokoy ‘este Coloma kaya?!

Dinaig pa nga raw si Poncio Pilato sa paghuhugas ng kamay.

Mantakin ninyong 44 buhay ng elite cops ang isinakripisyo dahil sa isang operasyon na mukhang matagal nang plinano pero hindi pinag-aralan ang terrain sa bisinidad na pinangyarihan ng ‘masaker.’

Nang mapanood natin kung saan naganap ang insidente, ‘e talagang ang nasabi lang natin ‘yung SAF ang na-sandwich sa gitna ng maisan hindi ‘yung grupo na pinaniniwalaang kinabibilangan nina Abdulbasit Usman at Zulkipli Bin Hir, alias Abu Marwan.

Mahal na Pangulo, kung mababasa lang ninyo ang galit ng mga kaanak ng 44 miyembro ng SAF-PNP at ng netizens, trending na trending ka talaga sa social media!

Sa palagay natin ‘e hindi magtatapos sa kontroladong imbestigasyon ng board of inquiry ang ‘lihim’ o ‘agenda’ ng sabi nga ‘e Maguindanao (Mamapasano) massacre 2.

Sabi nga ng isang matinik na intelligence officer na si Boogie Mendoza, ang board of inquiry ay hindi dapat buuin ng mga heneral na kaklase ng suspendidong PNP chief na si Dir. Gen. Alan Purisima.

Kung gusto ng Pangulo na makalusot sa malaking eskandalo na ito, hindi niya kailangan maghugas-kamay at ibunton ang sisi kay PNP-SAF chief, Supt. Getulio Napenas.

Huwag din niyang tatangkain na ‘ituwid’ ang mali sa pamamagitan ng isa pang mali dahil t’yak na d’yan siya malulubog sa kumunoy.

At higit sa lahat, huwag ituring ng Pangulo na hangal at uto-uto ang sambayanan na para bang kayang-kaya niyang itsubibo.

Ano man ang nasa likod ng insidenteng ito, naniniwala tayo na isa itong multo na pauli-ulit na dadalaw sa bangungot ng mga arkitekto ng karumal-dumal na pagkakapaslang sa 44 miyembro ng PNP-SAF.

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *