Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malaya sa Commissioner Cup; Ang mga illegal na saklaan sa Tondo sarado na raw!?

00 dead heatMATAGUMPAY na naidaos sa karerahan ng Manila Metro Turf Club ang 2015 Philracom “Commisisioner’s Cup na inalay sa mga yumaong Philracom Commissioners Atty. Franco L. Loyola at Dr.Reynaldo “Eyo” G. Fernando.

Nilampaso ni MALAYA na pag-aari ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, Jr. na nirendahan ng Class A jockey Jhonathan B. Hernandez ang kanyang mga nakalaban dahil sa MALAYO itong nanalo pagsapit sa finish line. Segundang dumating ang stalblemate niya na si El Libertador at tersero ang Stand In Awe, Cleave Ridge at King Bull ayon sa datingan sa finish line.

Maraming karerista ang nakapuna sa karera ng “Commissioner Cup” na halos lahat ng kabayong naglaban ay iisa ang horse trainer. Siya ay walang iba kundi ang Horse trainer of the Year Mr. Ruben S. Tupas.

Kung mahusay at parehas kang horse trainer maraming horse owner na magtitiwala sa iyo.

Tumanggap na tumataginting na P720,000 na premyo para sa may-ari ng MALAYA.

Dumating ang mga opisyal ng Philracom sa awarding ceremonies na sina Philracom Chairman Angel Castano, Jr.,Commissioners Jesus B. Cantos, Lyndon Guce at iba pa.

oOo

Kung gusto manalo ng hinete ay gagawin niya lahat ang kanyang nalalaman sa pag-ayuda sa kanyang kabayo.

Napanood ko sa aking TV monitor kung paano ginawa ni Jockey R.V. Brady ang kanyang nalalaman kung paanong parematihin ang kanyang sakay na si Spicy Time na pag-aari ni Congressman Jessi Lapuz.

Dahil sa lakas ng remate ng Spicy Time tinalo nito sa finish line ang Pag Ukol Bubukol na sakay ni jockey D.H. Borbe,Jr.

Dehadong nanalo si Spicy Time sa betting!

Congrats Jockey R.V. Brady at Congressman Jessi Lapuz!

oOo

Inaalat o malas pa rin ang inabot ng ating hinahangahang hinete na Jesse B. Guce na anak na ating kaibigan na si Jesus “Maestro” Guce.

Sa walong sakay ni Jesse noong araw ng linggo, Enero 25,2015 karerahan ng Metro Turf Club ay wala siyang naipanalo ni isa.

Nandoon pa rin kaya ang takot na nararamdam ni Jockey Guce nang siya ay mahulog sa kabayo at napinsala ang bahagi ng kayang katawan.

Sana wala na para muling manumbalik ang kayang “MAGIC TOUCH” sa renda.

oOo

May balita na tuluyan nang ipinasara ang mga ILLEGAL NA SAKLAAN sa mga bangketa sakop ng presinto 1 at 2 ng Manila Police District (MPD).

Ang mga Illegal ng saklaan sa bangketa ay pinapatakbo ng dalawang GAMBLING LORD na sina Rey Robles at isang Lita Malabon na walang takot na nagpapatakbo ng mga illegal na sugalan sa parte ng Tondo, Maynila.

Mukhang tumalab yata sa mga opisyal ng Manila City Hall at Manila Police District nang isulat natin ang salitang saan kayo kumuha ng KAPAL KAPAL KAPAL ng MUKHA!?

Ayan sarado na ang mga saklaan sa bangketa ng dalawang gambling lord sa Tondo, Manila.

oOo

Kung nais ninyo magbigay ng KOMENTO o SUHESTIYON magtext lang kayo sa #09477118735 at ito ay ating ilalaha. Itatago po natin ang inyong pakakakilanlan.

 

ni FREDDIE M. MAÑALAC

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …