Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Osorio, Jaro dinomina ang PSE Bull Run

ni HENRY T. VARGAS

012815 PSE Bull Run 2015

DINOMINA kahapon ng mga bagong sibol na mananakbong Batang USTe na si Gregg Vincent Osorio at ng pinagmamalaking stalwart ng Davao City na si Celle Rose Jaro ang tampok na 21-kilometrong 11th Philippine Stock Exchange (PSE) Bull Run sa palibot ng Bonifacio Global City, Lungsod ng Taguig kamakalawa.

Solo-katawang tinawid ng 21 anyos na Aklanong si Osorio ang meta, sa mabilis na isang oras, 14 minutos at 34 segundong marka para sa titulo ng 11th Philippine Stock Exchange (PSE) Bull Run, samantalang walang nagawa at umupo sa pangalawang puwesto ang taga Marikina City na si Michael Bosito (1:24:13) at nasadlak sa pang-tansong slot ang banyagang si Joseph Odhuno (1:24:50).

Pinarangalan ng mga punong-abalang sina PSE Pres./CEO Hans Sicat at COO Atty. Roel Refran ang nag-reynang si Jaro (1:33:24), ang pumangalawang si Janette Lumidao (1:40:46) ng St. Claire College at si Silamie Apolistar (1:45:01) ng hagarang hinawakan AdEvents nina Maryanne Ringor at Adlai Asturiano.

Nasa Top 3 ng 10-km. Race, sina – 1. John Matthew Claveria / Luisa Raterta, 2. Reggie Lumawag / Criselyn Jaro at 3. Zeter Gonzales / Janice Tawagin at ang unang tatlo sa 5-km. Run, na sina – 1. Roland Salgado & April Rose Diaz, 2. Kristoffer Troy Sison & Mary Grace dela Torre at 3. Rey Laureta & Alyssa Marie Casaclang.

Umakyat sa pedestal ng karangalan ang 3-km. winners sa Open Category na sina – 1. Joji Pagaas / Jo Punay, 2. Rey Pulido / Vilma Sta. Ana at 3. Richie Legaspi / Maryanne Ortega, ang PSE Race Results na kinabibilangan nina Francis Medina & Merryl del Rosario, Michel Dangca & Roellaine Amores, at Pablo Fabuhat & Lelyn Elivarez sa karerang para sa promosyon ng Market Education Program ng naturang ahensiya.

Tudla nitong maitaas ang antas ng kaalaman ng madla sa kahalagahan ng pagiimpok sa pamamagitan ng economic awareness sa pag-invest sa Stock Market.

Ang Longest Distance Challenge title ay nabingwit ng BPI, 21-Team Category ang Power Puff at nasikwat ang Biggest Group Award ng DHL (Running Club), Angping & Associates (Stockbroker) at BPI (Listed Company).

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …