Saturday , November 23 2024

Target imbitado sa Kongreso sa isyu ng ilegal na sugal sa Maynila

00 rex target logoNAKAPAGTATAKA talaga na sa kabila ng official memorandum order ni NCRPO Director  Carmelo Valmoria na nag-uutos na hulihin ang lahat ng uri ng illegal gambling joints sa buong lungsod ng Maynila, tuloy pa rin ito at tila nadaragdagan pa ng bilang.

Ang memo ni Director Valmoria  ay nag-ugat sa reklamong natanggap ni  Asec Bong Mangahas ng Department of Interior and Local Government (DILG) mula sa ilang politiko ng lungsod at desmayadong mga barangay chairman ng Tondo.

Sa kabila na balido ang complaint at may pinagbabatayang mga testimonya at ebidensiya, hindi tuminag ang liderato ni MPD Director, Colonel Rolando Nana. Nagmistulang ningas cogon ang operasyon ni Nana versus illegal gambling dahil after two days na manghuli ang mga pulis ng Manila Police District (MPD), back to normal business na naman ang gambling lords sa siyudad.

Lumalabas tuloy na ang pulisya ang direktang nasa likuran ng on and off (close-open) na operasyon ng mga sugalan.

Parang lumalabas tuloy na hawak ng mga precinct commanders at ng tanggapan ni  Col. Nana ang switch o  button kung kailan lalargahan o ipatitigil ang illegal gambling operation.

Base naman sa A1 info na natanggap ng inyong lingkod at ng TARGET, isang pendehong nagngangalang  alyas “ANTE CHING” ang nagpapakilalang bagman ni  Colonel Nana  na sinasabing dahilan kung bakit nagsulputang parang mga kabute ang mga gambling joints sa buong lungsod partikular na sa area ng Tondo.

Kay CHING umano nagbibigay ng lingguhang payola ang mga ilegalista sa Maynila kapalit nang hindi paghuli sa kanilang mga butas.

Gamit naman ni CHING ang isang nagngangalang  FERNAN sa pag-ikot at pangongolekta ng ‘intelihensiya.’

Ayon pa sa impormasyon, bawat presinto ng MPD ay may designated bagmen na nakatakda nating ibulgar sa pitak na ito sa mga darating na araw. Ilan sa mga ilegal na sugal na nakakalat ngayon sa buong lungsod ng Maynila ay bookies sa karera ng kabayo, lotteng, saklaan at  video karera.

Batid na rin umano ni DILG Sec. Mar Roxas ang sitwasyon sa Maynila at mahigpit itong ipinamo-monitor kay Director Valmoria at sa Intel Group ng NCRPO.

Samantala, inaasahang tatalakayin sa House of Representatives (Congress) ang isyu tungkol sa proliferation ng ilegal na sugal sa siyudad ni Mayor Erap Estrada sa pamamagitan ng isang privilege speech at resolution na susundan ng isang press conference na direktang tutukoy sa ilang opisyal ng MPD na nagto-tolerate at nagbibigay proteksyon sa opisyong ito.

Isa ang TARGET sa mga naimbitahang media personalities na dadalo sa Kongreso hinggil sa isyu ng talamak na  illegal gambling operations sa siyudad ni Erap Estrada.

Sakaling manghingi ng output sa inyong lingkod ang isang committee ng Kongreso patungkol sa proliferation ng illegal gambling sa Maynila at mga pangalan ng mga opisyal ng pulisya at public officials na direktang sangkot dito, MORE THAN willing po tayong magkaloob ng full cooperation.

Tiyak na may kakalagyan ang ilang matitigas ang ulo at mukhang perang opisyal.

Abangan!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *