Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bukas at hindi bulletproof ang Popemobile

Kinalap ni Tracy Cabrera

Pope Francis

NAGPAKITA ng kakaibang pananampalataya si Pope Francis sa kahilingan niyang sumakay sa bukas na behikulo sa pagdalaw niya sa Filipinas sa susunod na buwan ng Enero.

Ikinatuwiran ng Santo Papa na sa kabila ng pangamba ng pagtatangka sa kanyang buhay mas magiging ‘accessible’ sa mga tao kung sasakay siya sa ganitong uri ng sasakyan—pagpapakita din niya ng pananampalataya na poprotektahan siya ng Panginoong Diyos bilang pangunahing lingkod at pinuno ng mga Kristiyano sa buong mundo.

Inihayag ng pamahalaan na gagawa ng isang custom-built ‘Popemobile’ para kay Pope Francis na may koordinasyo sa Vatican security para mabigyan ng sapat na seguridad ang Santo Papa sa ano mang banta na maa-aring mangyari.

Ngunit inihayag ng mga opisyal ng simbahan na ang behikulo ay ginawang ‘bukas’ at ‘walang bulletproof’ para ma-accommodate ang mga kahilingan ni Pope Francis.

“Ang ibig sabihin nito ay magiging ‘vulnerable’ ang Holy Father sa kanyang pagdalaw ,” ani Father David Concepcion, miyembro ng church committee na si-yang naatasan ng paghahanda sa papal visit.

Darating sa Maynila si Pope Francis mula Sri Lanka sa Enero 15. Igugugol ng Santo Papa ang buong araw ng Enero 17 sa pangunguna ng banal na misa para sa mga biktima ng super typhoon Haiyan (Yolanda) sa Tacloban City at munisipa-lidad ng Palo sa Leyte.

“Sisimbolo ang Popemobile sa kanyang pagnanais na ihayag ang kanyang pagsisimpatiya sa sambayanang Filipino at ipakita rin kung anong uri ng simba-han ang dapat makita at maramdaman ng buong bansa,” ani Concepcion.

“Wala itong aircon, kaya mararamdaman niya ang init ng panahon dito sa atin. Kapag umulan naman, mababasa rin siya,” dagdag ng pari.

Inaasahang dadagsa ang hanggang anim na milyong tao para masilayan ang Santo Papa sa pagdiriwang ng misa sa Tacloban at sa Luneta sa kinabukasan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …