Saturday , November 23 2024

BJMP official na “BFF” ni Peter Co nakasalang for promotion!? (Attn: SILG Mar Roxas)

00 Bulabugin jerry yap jsyMATINDI raw talaga ang kamandag ng pera nitong si convicted drug lord Wu Tuan Yuan alias Peter Co na siyang nakuhaan ng matataas na kalibre ng baril at daang libong pera nang salakayin ng grupo (NBI) ni Justice Secretary Leila De Lima ang National Bilibid Prison nitong nakaraang buwan.

Walang kaduda- dudang kahit nasa karsel, patuloy pa rin na namamayagpag at naghahari si Co sa pagbebenta ng droga. Buhay-hari ang naturang drug convict kahit nakakulong pa lang sa Manila City Jail noong 2001.

Bigtime at very important prisoner na pala noon sa MCJ si Co dahil protektado umano ng warden at ilang matataas na opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Sa katunayan, na-dismiss sa serbisyo ang pinuno ng MCJ na si Supt. Romeo Okoy ‘este Ogoy matapos niyang tangkaing ‘itakas’ (daw) si Co na isinakay sa likod ng kaniyang kotse. Mabuti na lamang at hindi pumayag ang isang dakilang Jail guard sa MCJ sa takot na sila ang masasabit at mananagot lalo pa at ilang panahon pa lang ang nakalilipas nang makawala ang dalawang babaeng drug lord.

Sonabagan!!!

Unang sinibak sa puwesto si Ogoy nang misteryosong makawala sa MCJ sina Chua Rong Rong at Lim Tuy Lim matapos umanong lagariin ang bakal na rehas sa kanilang selda at gumamit ng hagdan pababa mula sa mataas na bintana patungo sa Avenida.

Noon na naglaho ang mga dayuhang demonyong drug suspek.

Isinalang sa imbestigasyon si Ogoy dahil sa nasabing pagtakas. Ngunit nabaling ang imbestigasyon kay Peter Co nang kumanta ang jail guards na naiipit dahil sa pagkakatakas ng mga babae na si Ogoy mismo ay nagtangkang ‘ilabas’ si Co.

Magkano ‘este ano kaya ang dahilan?

Base sa records ng Department of the Interior and Local Government, nagpalabas ng dismissal order si dating SILG Joey Lina laban kay Ogoy matapos niyang harangin ang paglipat noon kay Co sa New Bilibid Prison.

Bakit ayaw niyang mawala si Co sa kaniyang tabi?

Bakit kaya!?

Imbes sundin ang order, nilabanan ni Ogoy na nagsabing grave abuse of discretion daw at lack of jurisdiction ang ginawa ni Lina.

What the fact!?

Anyway, to cut the story short, nasibak sa serbisyo si Ogoy at ilang taon din nawala. Pero ang ipinagtataka ng mga taga-BJMP at ikinataas ng kilay nila, himalang nakabalik daw si Ogoy sa serbisyo at ngayon nga ay mapo-PROMOTE pa umano. Nakasalang na raw na maging heneral si warden ‘Peter Co’ Ogoy ‘este mali’ Romeo Ogoy sa tulong ng isang dating mataas na opisyal ng BJMP na si Madam DD.

Ano kaya ang dahilan ng pagiging close ni Madam DD at Ogoy? Mutual friend kaya nila si Peter Co?

Si Madam DD rin daw ang lumakad at nagbulong sa isang mataas na opisyal ng DILG na isama sa promotion si Ogoy.

SILG Mar Roxas, mukhang napakalaki raw ng utang na loob ni Co kay Ogoy kaya hindi siya pinabayaan at gagawin ang lahat para ma-promote pa siya?

Ingat-ingat lang Mr. Secretary, baka pati ikaw ay masabit sa issue ni convicted drug lord Peter Co-pal?!

P1.2-B PCOS Refurbishing Contract ‘nasilat’ ng SMARTMATIC (Salamat kay Sixto!)

YES mga ‘boss’ ni PNOY!

Harap-harapan o garapalan na naman tayong ‘nilansi’ ng Commission on Elections (Comelec) kakontsaba ang kompanyang Smartmatic para makopo nila ang ‘refurbishing’ o repair ng 82,000 units ng precinct count optical scan (PCOS) voting machines na gagamitin sa May 2016 presidential election.

Mismong sa bibig ni retarded ‘este’ retiring Chairman Sixtong ‘este Sixto Brillantes, Jr., lumabas na mayroong ‘hanging concerns’ pero ipinursige nila ang awarding ng kontrata.

Mantakin ninyong ‘yung nag-iisang araw (Disyembre 29) na mayroong pasok bago magsara ang 2014 ‘e nakapagdesisyon ang en banc sa botong 5-2 pabor sa Smartmatic?!

What the fact!?

Napakasipag n’yo naman, Chairman Sixtong este Sixto…

Sana ganyan kayo kasipag sa mga nakabinbing usapin d’yan sa Comelec.

Bakit hindi kayo naging masipag sa pagresolba doon sa sinasabing ‘hanging concerns’ para naging malinis ang en banc decision.

Hindi katulad ngayon dahil sa kanilang minadaling (midnight deal?) en banc decision, nagdeklara ang mga nagpoprotesta na hindi umano sila papayag na mai-award nang tuluyan sa Smartmatic ang P1.2-B refurbishing contract na ‘yan.

Ang hindi nga natin maintindihan talaga d’yan, ang haba ng mga nagdaang panahon tapos nadesisyonan 11th hour pabor pa rin sa Smartmatic?!

Magkano ‘este ano ba talaga ang rason, Chairman Sixtong este Sixto Brillantes?

Malapit ka nang magretiro sa Pebrero… totoo bang ‘yan ang legacy mo sa Comelec at ‘pa-baon’ naman para sa inyong tatlo nina Commissioners Yusoph at Tagle?!

Pakisagot na nga ho, Chairman Brillantes!

Ayaw maniwala sa survey

HINDI kami naniniwala sa survey dahil ang tinatanong nila ay mahigit isang libo lang ni anino nilang mga bayaran survey survey ay hindi namin nakikita dito sa Caloocan City kung mga isang million sana ang tinanong nila bka maniwala pa kami! Hindi naman bobo at tanga mga Pilipino kung iboboto pa c Binay at pwede ba ANTONIO TUI tigilan mo na ang pagsisinungaling mo! Kayong 3 stooges Atty. Bautista, Gob Remulla at Cong Tiangco kailan ninyo lang ba nakikila c BINAY? D ba kayo nahihiya sa bayan na sabihin ninyong naospital c Mercado? ‘Yon pala ay hindi totoo sa patunay ng MEDICAL DIRECTOR ng UERM sasabihin ninyong sinungaling c vice Mercado yon pala kayo ang sinungaling. Mas naniniwala kami kay vice Mercado, Bondal at iba pang witnesses dahil sila ay taga-Makati at matagal na nilang nakasama c Jojo Binay! BINAY ito lang ang masasabi ko sa INYO, ang sinungaling ay kakampi ng magnanakaw. – Name and number withheld

Jeep na kolorum hindi kaya ni Manny

MR. JERRY YAP, sobrang higpit ni Mayor Manny Maliksi ng Imus City Cavite sa colorum at out of line ng mga tricycle pero hindi niya magalaw ang grabeng colorum ng jeep sa Imus Terminal Plaza at viajeng Imus – Binakayan Kawit na pati LTFRB, LTO at HPG hindi rin kayang tibagin ang colorum sa Imus! Tnx. – Concern Citizen +63937232 – – – –

2855 ng TNT matakaw sa load

Good morning po, Sir, ang lakas kumain ng load i2ng 2855, pakibulabog lang po, matakaw po ito sa load sa TNT, Salamat po.

+63946839 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *