Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosasyon nagsimula na! (Para sa Pacquiao-Mayweather mega-fight)

ni Tracy Cabrera

082714 floyd pacman

SA panayam ni Lem Satterfield ng Ring magazine, kinompirma ng adviser ni Manny Pacquiao na si Michael Koncz na tunay ngang may negosasyon na para sa tinaguriang mega-fight sa pagitan ng eight-division at kasalukuyang World Boxing Organization (WBO) welterweight champion at Number 1 pound-for-pound fighter at World Boxing Council (WB) welterweight champion Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay Koncz, nagsi-mula na silang makipag-usap sa grupo ni Mayweather sa pamamagitan ng Top Rank.

“Naibigay ko na kay Manny ang perspektibo sa counter offer mula sa mga tao ni Mayweather,” pahayag ng adviser ng Pambansang Kamao.

“Tinalakay naman ito at ngayon ay nagbigay na ako ng instructions kay Bob (Arum) para i-counter ang kanilang counter. Matagal nang nagpapabalik-balik ang usapan. Nakipagnegosasyon na siya sa mga awtoridad sa side ng Floyd sa nakalipas na ilang linggo. Nagkaroon ng mga offer at counter offer, at ilang araw nakalipas tinawagan ako ni Bob at ibinigay kung nasaan ang side ni Floyd, at pinag-usapan din namin ito ni Manny kailan lang.”

Makaraang talunin ni Pacman ang Amerikanong challenger na si Chris Algieri sa Macau nitong Nobyembre lang, nanawagan agad ang People’s Champ kay Mayweather para hamunin na ituloy na ang kanilang pagsagupa at tuluyan nang pag-isahin ang WBO at WBC championship title para sa welterweight division.

Kasunod nito ay tumugon na rin sa wakas si Maywea-ther at sa isang panayam ay tahasan niyang sinabing handa na siyang makaharap ang karibal sa Mayo 2.

“Nasabi ko na kay Bob ang tugon namin dito. Pero hindi pa rin ako optimistikong ma-tutuloy ito hanggang sa malagdaan na ang kontrata. Ang maganda lang patuloy pa rin kaming nagbabalik-balik sa negosasyon,” pagtatapos ni Koncz.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …