Tuesday , November 26 2024

Lungga ng mga criminal ginalugad ng ‘Task Force Galugad’ ng SPD

CRIME BUSTER LOGOFOR the first time ay umaksiyon ang pamunuan ng Southern Police District Office laban sa mga pinaghihinalaang kriminal na naglulungga sa Pasay City.

Kahapon ng madaling araw sa pamumuno ni SPDO director Chief Superintendent Henry Ranola, ginalugad ng combined team ng SPDO operatives at ng pulisya ng Pasay City ang mga kalye, eskinita na nakasasakop sa public market ng lungsod. Iyan ay magmula sa Market Street, P. Villanueva, Primero de Mayo, Remy at sa kahabaan ng Taft Avenue.

Bagama’t wala tayo sa isinagawang “One time, bigtime” na Oplan Task Force Galugad, na pinamuan rin ni Pasay-PNP OIC Senior Superintendent Sedney Hernia, ilang pinaghihinalaang lawless elements na no fixed address ang kanilang pinosasan at dinampot para tanungin at isailalim sa interrogation. Sa Oplan Galugad, ilang motorsiklo ang kanilang kinumpiska sa naturang palengke sa dahilan ang iba ay walang plaka at ang may-ari ay walang maipakitang mga dokumento para sa motorbike.

Kung susuriin ang records, ilang negosyante at mamimili na ang naging biktima ng krimen sa naturang palengke. He he he!!! May headquarters ng pulis (PCP-4) pero mas lamang ang nakapikit.

Ang Oplan Galugad ay programa ng Philippine National Police at ito ay nakasaad sa kautusan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas para labanan ang pagtaas ng kriminalidad sa Metro Manila at sa mga probinsiya.

Matatandaan na apat na police district director sa Metro Manila ang sabay-sabay na sinibak sa puwesto ng kalihim ng DILG dahil hindi umano nila masugpo ang iba’t ibang uri ng krimen sa kanilang jurisdiction.

Kung ako ang tatanungin hindi lamang ang palengke sa Pasay City ang dapat pasadahan ng mga tauhan ni general Ranola. Isama na rin nila ang mga crime prone at shabuhan areas sa Pasay tulad ng Edsa-Cabrera; Edsa-Apelo Cruz (Pantranco area); Barangay Sto. Niño at ang pinakasikat na kalye sa Pasay ang Protacio Street; Tramo; M. dela Cruz at F. Victor Street.

Sa lugar na iyan naglulungga ang mga siga-tulisan sa kalsada at ang kani-kanilang mga coddlers o handlers na armado ng mga ‘di-lisensiyadong baril.

Kung rerebisahin ni general Ranola ang datos ng crimes against persons o ang mga taong naging biktima ng execution, pinatay sa tama ng bala sa lungsod ng Pasay simula pa noong taon 2010 ‘e baka mapalundag sa kanyang upuan ang heneral. Sa pagkakaalam ko umaabot na ito sa 200.

The best siguro kung kay Supt. Joey Gofort ng station investigation division ng Pasay-PNP itatanong ni general Ranola kung bakit walang linaw ang kasong pag-assassinate sa anti-drug cop na si SPO3 Delfin “Macky-Pansit” Macario na malapitang binaril di-kalayuan sa headquarters ng Pasay City police station (PS-1) noong gabi ng Nobyembre 28, 2014 at ang kasong pagpatay kay Biscotcho na anak ng kapitan ng barangay sa Cuyegkeng Street.

About 2016 Politics

NANG bago matapos ang taon 2014, sa pamamagitan ni ex-cop, two terms councilor Noel “Onie” Bayona ay nakausap ko si ex-Pasay City Congressman Dr. Lito Roxas.

Sa aming maikling pag-uusap sa cellphone, nabanggit niya na kailangan muna ang masusing pag-aaral kung muli siyang lalahok sa 2016 local elections sa Pasay. Ito ay sa kabila na may ilang sektor sa Pasay ang bumubulong sa kanya na siya ay sumabak sa 2016.

Sa kasalukuyan, ang maybahay ni Dr. Roxas na si Jennifer Roxas ay miyembro ng konseho sa Sangguniang Panglungsod ng Pasay. First time siyang winner sa election noong May 2013 local elections.

Anyway, kung mayor, congressman ang binabalak ni Dr. Roxas sa 2016 election, mabigat na politiko ang kanyang makasasagupa sa halalan, ang kampo ng mga CALIXTO.

Matatandaan, na mahigit sa isangdaang libong boto ang naitala sa Comelec ng utol ni Mayor Tony Calixto na si Emi Calixto-Rubiano nang ang sister niya ay kumandidatong congresswoman sa Pasay noong May 2013 elections. Tinalo ni Emi with a big margin of votes ang incumbent congressman ng Pasay na si Dr. Roxas.

Bukod sa pagiging congressman, si Dok Roxas ay three terms din consecutive legally elected city councilor sa Pasay City. Iyan ay sa panahon ni Mayor Peewee Trinidad.

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *