Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Compton: Handa kami sa giyera sa Game 6

Alex Compton alaska aces

ISANG panalo na lang ang kailangan ng Alaska para makuha ang huling silya sa finals ng PBA Philippine Cup.

Pero para kay Aces head coach Alex Compton, hindi dapat muna magselebra ang kanyang mga bata lalo na’t naniniwala siyang makakabawi pa ang Rain or Shine at maipupuwersa ang Game 7 sa kanilang serye sa semifinals.

“All we did is to get a twice-to-beat now,” wika ni Compton pagkatapos na durugin ng Aces ang Elasto Painters, 93-88, sa Game 5 ng semis noong Sabado.

“We need to win one of them. It’s without question it won’t be easy, and there’s absolutely no guarantee that we’re there.”

Sa pangunguna ng tig-16 puntos mula kina Calvin Abueva at Cyrus Baguio, humabol ang Alaska mula sa 19 puntos na kalamangan ng ROS sa ikalawang quarter upang makalayo sa 76-67 na trangko sa pagtatapos ng ikatlong yugto.

Gagawin ang Game 6 ng semis sa Enero 4 pagkatapos ng isang linggong pahinga para bigyang-daan ng PBA ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

“We have no time for complacency, and what’s scary is we have a Hall of Fame coach and we give him a week to teach and do stuff and put stuff in,” ani Compton tungkol sa kanyang kalaban sa pangunguna ni coach Yeng Guiao.

“I think that’s just the fortitude of the guys that we have in the team. We emphasized a lot of stuff and we learn a lot from coach Yeng. We are down, we want to keep on playing hard. We are up, we want to keep on playing hard. Those are the things they do that we want to emulate.” (James Ty III)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

PSC

Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA, Thailand – Nakahanda na ang lahat para sa Pilipinas sa pagsisimula ng ika-13 …