Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SMB handa sa Finals — Austria

122814 Leo Austria

NGAYONG pasok na ang San Miguel Beer sa finals ng PBA Philippine Cup, umaasa ang head coach nitong si Leo Austria na muling magbabalik ang pagdomina ng Beermen sa liga.

Winalis ng Beermen ang kanilang serye sa semifinals kontra Talk n Text sa pamamagitan ng 100-87 panalo noong Biyernes sa Game 4.

“Everybody doubted us at the start of the season and I predicted that we would be at the middle pero nagulat ako na nag-number one kami (sa eliminations),” wika ni Austria na dating coach ng Shell, Rain or Shine at Adamson sa UAAP bago niya hinawakan ang Beermen ngayong season na ito.

Hinawakan din ni Austria ang Beermen sa ASEAN Basketball League kung saan nagkampeon sila sa nasabing liga noong 2013.

“I have so much respect for Talk n Text kasi they are a very organized team at marami sa mga players nila ay members ng national team. Yung players ko, they worked hard and we were able to establish unity. Solid kami as a team and I’m happy to see everybody contributing. The players are willing to learn and I tried to define their roles. Mahalaga ang chemistry.”

Huling pumasok ang SMB sa finals noong 2012 Governors’ Cup nang kilala pa ito bilang Petron Blaze ngunit noong 2009 pa huling nagkampeon ang Beermen sa Fiesta Conference.

Nanguna ang Beermen sa pagtatapos ng eliminations sa 9-2 panalo-talo at umabante sila kaagad sa semis kung saan naging madali ang panalo nila sa Game 4 dahil sa 28 puntos at 16 rebounds ni June Mar Fajardo at ang 13 puntos at 10 rebounds ni Arwind Santos.

Bukod pa rito, malaki rin ang naitulong ni Alex Cabagnot na kinuha muli ng SMB mula sa Globalport para kay Sol Mercado bago nagsimula ang playoffs.

“Basta sa finals, hindi dapat nating makalimutan kung bakit kami nandito,” ani Santos. “Mas buong-buo ang team ngayon at mas willing mag-sacrifice ‘yung ibang mga players.”

“Maganda ang teamwork namin ngayon at sa laro namin, walang imposible. Kailangang hindi puwedeng maging selfish. Buti pumasok ang mga tira ko. Mahirap mag-back-down, eh,” dagdag ni Fajardo.

Maghihintay na ang Beermen sa kanilang makakalaban sa finals sa kahit sino sa Alaska o Rain or Shine.

Ang Game 6 ng serye ng Elasto Painters at Aces ay gagawin sa Enero 4 sa Mall of Asia Arena simula alas-5 ng hapon.

(James Ty III)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …