IMBES bantayan at walisin ang mga ILLEGAL TERMINAL para mabawasan ang obstruction sa daanan ng mga motorista at vendors ay kabaliktaran ang ginagawa umano ng task-force Divisoria.
Animo’y pakaang-kaang ang ilang tulis ‘este’ pulis ng TF-Divisoria ana pinamumunuan ng isang Major RIODECA?!
Ang masaklap, may bantay pang lespu ng TF-Divisoria ang mga naghambalang na ilegal terminal ng PUJ, tricycle at pedicab sa kanto ng J. Luna St. at C.M. Recto Avenue.
Bantay-salakay!?
Eto na, minsan may isang pedestrian na naipit at nagulungan ang paa ng isang sasakyan kaya pinaalalahanan ng Bulabog boy natin ‘yung nakapilang tricycle at pedicab sa gitna ng kalsada pero siya pa ang inaway.
Dito na pumasok ang bidang tulis ng TASK FORCE DIVI KOTONG!?
Galing sa madilim na sulok ay bigla na lamang lumabas at nagyabang ang isang PO2 D. Santos at matapang na sinigawan ang ating Bulabog boy na “bakit mo pinaaalis ang terminal dito?!”
Aniya, “Tao ako ni Mayor Erap at Maj. Riodeca ng Task Force Divisoria, walang kernel-kernel sa akin… payag si Erap sa terminal na ito sa gitna ng kalsada.”
‘Yan daw ang matikas na ipinagmamalaki ng tulis ‘este’ pulis na si PO2 D. Santos.
Hoy kamoteng PO2 D. Santos, ilegal terminal nga ‘yan ‘di ba?!
Kaso nagiging legal ang ilegal dahil sa timbre at tongpats system!
Maliwanag ‘yan Maj. Riodeca na tongpats system ‘yan di ho ba!?
Magkano ‘este ano bang cashunduan n‘yang Task Force Divi Maj. Riodeca at pati higher ranking officer ay binabastos ng mga nagpapakilalang bata-bata n’yo dahil lang sa iligal terminal na ‘yan?!
Pakisagot na nga ho!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com