SIMULA ngayon ay apat na araw na lang ang pasok sa government offices sa Metro Manila.
Ibig sabihin, Lunes hanggang Huwebes na lang sila… Papasok sila ng alas otso ng umaga at lalabas ng alas-siete ng gabi. May isang oras silang pahinga, bukod pa ang tsismisan habang nagtatrabaho.
Apat na araw na lang na trabaho at tatlong araw na day off. Hindi ba lugi ang taxpayers na nagpapasuweldo sa kanila?
Ito’y sa Metro Manila lamang, sabi ng Civil Servuce Commission (CSC). Solusyon daw ito sa grabeng trapik.
Sa obserbasyon kasi, kapag araw ng Sabado at Linggo ay maluwag ang mga kalye, walang trapik. Kasi nga walang pasok ang government workers at wala rin pasok sa iskul.
Well, tingnan natin kung luluwag nga ang trapiko mula ngayon… Wish ko lang!
Nagkalat ang mga
menor de edad sa Sampaloc area (Manila)
– Grabe! Wala na ba magawa ang DSWD sa mga kabataang menor de edad na nagkalat dito sa Sampaloc area, kanto ng Miguelin at Honradez? Gabi-gabi po ‘yan e. Calling Honey Lacuna. – 09266990…
In fairness sa DSW-Manila, ang unang dapat kumilos para mapangalagaan ang mga kabataang ‘yan, ay barangay. Anong barangay ba ang nakasasakop sa kalyeng Miguelin at Honradez? Sino ba ang tserman dyan? Ipatupad n’yo naman ang curfew sa mga kabataan, Sir!
Kotong MMDA sa bandang
EDSA-Roxas Blvd. (Pasay City)
– Pakiparating lang kay MMDA Che Tolentino na ‘yung tauhan n’ya lakas ng delihensya sa EDSA-Roxas Boulevard, sa ilalim ng tulay na terminal. Di ko mabasa nameplate niya kasi natatakpan ng radyo nya, pero sa dulo JR. Matanda na ito, mga 60 plus na, malaking lalaki, malaki tyan, puting puti na ang buhok na maiksing maiksi. Nakita ng dalawang mata ko kanina mga 5am (kahapon), lintek bawat dating ng mga jeep inaabutan sya. Mag-isa lang siya, walang kahati, suwapang pa! Dapat bang gawin terminal ang ilalim ng tulay sa gabi? Ilang daan jeep ang umiikot dyan, sa P20 na lang isang jeep, sa 100 magkano ‘yun, ‘di ba P2,000? Walang kahirap-hirap. Ilang oras lang laki na ng nakotong n’ya. Samantala, ang jeepney driver, buong araw kakayod malaki na P1,000 kita. Sana manmanan ni Tolentino ito. – Juan ng Tondo
Galit kay Gilas Pilipinas
Coach Chot Reyes
– Boss Joey, magandang umaga po sa inyo. Bilang mamamayang Pilipino at isa sa sumusuporta sa ating Gilas Team, nais ko lamang ipaabot sa buong sambayanan na hindi mga manlalaro ang nagpatalo lagi sa koponan natin kundi ang kanilang mahambog na Coach na si Reyes. Hamakin mong ibangko ba naman ang binabayaran nating naturalized citizen na si Marcus? Kung may pagkakamali man si Marcus sa nakaraang laro, ‘wag idamay ni Reyes ang laro sa ibang team na kalaban. Bwisit talaga! Makaabot sana ito sa kanyang kaalaman, Joey. – 09391736…
Obserbasyon ko sa team Gilas Pilipinas, ang coach ang kanilang problema. Parang sumobra ang yabang! Say n’yo, basketball fans?
Opis ng tanod
ng Brgy. 718 (Manila)
ginawang karerahan?
– Gud am. Report ko lang po itong opis ng tanod ng Brgy. 718 Zone 78 (Manila), ay ginagawang karera halos araw-araw, naka-aircon pa sila. Samantalang ‘yung Daycare, ‘yung mga bata nag-aaral walang aircon. Hindi ko alam kung saan dinala nila (barangay officials) ang binigay ng La Salle, pati tubig wala. Ang tserman namin dito ay si Espiritu. Sana makarating ito sa kinauukulan. Huwag n’yo po iilabas ang numero ko. – Concerned citizen
Kunan n’yo po ng picture habang nagsusugal sila sa opis ng tanod ng barangay at i-post n’yo sa internet para makarating sa tanggapan ng DILG at masibak ang mga sangkot d’yan.
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio